Showing posts with label tired. Show all posts
Showing posts with label tired. Show all posts

Friday, November 14, 2008

ana-ana-natomy.... what?

cheek cell ko... hehe. nakakagulat yung pagkuha sakin nyan. bigla nalang sinabi ng kakalase ko... "nganga." ayun. tapos pinasok yung swab. nag-volunteer din ako dun sa blood sample pero iba yung pinili. buti na rin yun. manually pala yung method ng pagkuha e, hindi gagamit ng pen *may masama akong experience sa manual na method*

---> once upon a time, nagkadengue ako. nagpakuha ako ng dugo at pumayag na ko na sa daliri ako kuhanan *thinking na pen yung gagamitin* e may galit ata sakin yung babae. manual yung ginawa. may dengue pa ko nun at hinang-hina. ginusto ko siyang sakalin nun e. haha.




speaking of cells... of tissues...

joke:
anong english word ang ibig sabihin ay "ikaw nga!"? *one word lang*
ans: tissue! hahaha

e yung "ikaw ba yan?" *one word uli*
ans: statue?...

hahaha. korny!!!

###

mababa ata ako dun sa test kanina sa anatomy. takte! cell yung topic. e no erasures pa at shading yun gamit pen. hay.

###

di ko na pala nakikita si intsik ngayon. buti naman. at may journal kaming kailangan gawin sa english class. write everyday about randomness and what have you. at book report every month.

###

may kaklase pala kong babaeng pusong lalaki. nakakagulat lang, ang touchy niya. ma-akbay. mahug at makiss. pag nakakatabi ko, biglang aakbay. tapos ang lapit pa ng mukha pag nagtatanong. pero tinatrato ko parin siyang babae. walang malice. close friend kumbaga.

pero ang gentle-woman at maaalahanin niya. akalaing sinamahan pa ko bago ako umuwi.

###

sige, aral na uli. X)

Tuesday, October 28, 2008

i need painkillers... badly.

ang sakit ng ulo ko sa kakaasin... haha.

tulog ko na nga lang kanina, 5am-7:30am...

nakatulog sa sama ng loob...

###

anyway,.. may naisip akong pagkaabalahan.. magbasa nang magbasa. haha. Nerd! but atleast, i'll be spending my time more productively... XD

Friday, October 24, 2008

Moral: Magsuot ng Gown pag manunuod ng Sine!

bihira akong sumagot ng telepono sa bahay. at kung kailan ako nasa mood, saka nakakainis and tumawag.

*ring*
~isang ring lang, sinagot ko na...
Lalaki: Hello, pwede kay First Lady?
Ako: Wala po siya...
L: ahh..
A: Sino po sila?
L: ah, kaibigan niya
A: Sino pong kaibigan?
L: ah.. di bale nalang.
A: hello... Sino po sila?
L: kaibigan niya.
A: sino pong kaibigan? Marami po kasi siyang kaibigan e.
L: Ah di bale nalang.
A: Sino nga po sila?
L: Bakit? Para saan?
A: para po kapag dumating na siya, sasabihin kong tumawag po kayo *aaarrrghh*.
L: ...
A: hello... hello...

~wala na...



anong klaseng tao yun? nakakainis.. haha, kaibigan niya. hahaha. HAHAHA. tsss..

ayoko ng sumagot ng phone. naging spontaneous pa man din ako. tsktsk. again, wrong place and wrong time.

###

nanuod kami kahapon ng Max Payne kasama sina Atsi...
sa dulo, may nagsabi sa'min na guard na kesyo 1 show lang... in a VERY humiliating tone...
ayun, kinonfront ni Kuya Eric... haha, buti nga. I mean, hindi kami masamang tao e... pero yung pambabastos,... pwede niyang sabihin nang maayos samin...
another thing, nung sinabihan kami, pinapanuod namin yung pahabol na scene *AFTER CREDITS*. basically, kitang-kita niya naman na nanunuod pa kami nung pahabol.
nakakainis lang. at kinampihan pa nung usherette yung guard at sinasabing di na importante yun. *have you ever heard of the term Epilogue? ha? ha?* tsss... yes it isn't necessary but it is essential when it comes to a story, or a book, in other cases...

lagi nalang tinetest yung patience ng pamilya namin. tsktsk.

*parang nung kumain kami sa dads saisaki kamayan, nung nag-valet parking... nabangga nila yung kotse. of all people, kami pa. tsktsk*

###

text ng blockmate ko...

nagjoke si Lolo...
Q: anong last name ni ANCHOR?
A: Tis...

ANCHORtis... hahaha

bumanat si Lola...
Q: Anong first name ni nemo?
A: ANCHOR...

ANCHORnemo...


di ko agad nagets nung una yung nemo... hahaha... wala lang...

###

Monday, October 20, 2008

how lucky can you get?

Yeah, another post. i wouldn't make one if i weren't so desperate and disappointed with myself.

Sunday...
i went to the christening of first lady's goddaughter. We had the dinner thereafter.
We arrived home at around 10:30pm. i went to my room at 1am and tossed and turned all the while, waiting for all my thoughts and worries to just drown me to unconsciousness.

i woke up at 7am. Fixed and Prepared myself and waited for FL to wake up. We left home and arrived at school at 9am. Before getting the grades, i already saw witch.

Ice: Kamusta?
Witch: ok lang, kunin mo na grades mo.
Ice: ...
Witch: Sige na, pasado ka. Promise!
Ice: Sige, antayin niyo ko.


while i was walking, i was so worried that i didn't even notice some of my blockmates who were trying to catch my attention. I finally went to the woman who was in charge and got my card. I scanned all the grades, hoping not to see something to worsen the situation.


*the other grades are "hidden" to prevent bragging.


then i saw a 2.25. if i were my old self, i'd still be happy with that grade. The problem is, i have to maintain an average of 1.75 and shouldn't have any grade lower than 2.0. WHAT MAKES IT WORSE? It is a 5 unit subject. A-FIVE-UNIT-SUBJECT!

i went to the faculty and He knows everything that happened. I was just the luckiest person in the world. I discovered that my grade was 83.9 (=84) and i needed only one friggin' point to have a grade of 2.0. The professor was still in the province and the teachers told me that i should have informed my prof that i was part of the organization then she could have been more considerate.

doomed. i am doomed.

it's an embarrassing thing that i almost cried two times, one in the faculty and the other with the adviser of our organization. good thing i was still well composed.

yadda, yadda, yadda...

###

a while ago, i went to the doctor to have my brain checked... to see if it's still in good condition... hahaha...



i saw this while i was at the hospital... weird, if i must say. maybe i need the first option.


maybe this is it.. for now. i have nothing more disappointing to brag about.

Thursday, April 17, 2008

death...

celebrating one year closer to death.



this day seems so weird. yeah, weird is go0d, but not in this case. lots of people greeted me. they don't really know about this day but its just because Lara sent them a message that's why they knew about it. maybe I'm just not used to being greeted by people and being expected to celebrate this day.

lashes still pushed through with convincing me to go to the batch thing next week. i don't know about that. there'll just be lots of things to spend money on if that's the case and adding up to our expenses is the last thing on my to-do list. Pot and Ludz also tried to convince me to go.

i don't even know if I'm really supposed to pay for something i wouldn't even be able to enjoy or experience. The big amount of money could be used for more practical things. If i have to, then i have no choice since i do want to graduate, but still, it is unfair. Ahya also had this event in their scho0l and since he didn't go, he wasn't required to pay, just like what Their PTA committee said, "maawa naman tayo sa mga magulang at unfair yun sa kanila."

Yes, rationalness is all i want. Is that to0 much to ask?

i ate lunch with the other 'orphans' like me, we talked about things like nc and our lives.

awhile ago, i fell asleep while watching ai. I just woke up when Bape texted me to greet me again. it's a go0d thing that i woke up so i had the chance to change and leave our house. i went to sm to buy the bo0k i've been longing to have and... well, self indulge. I was supposed to buy four bo0ks *which included the bo0k of Garfield and others that struck my interest* but i wanted to save money and, if given a chance, buy the bo0k at a cheaper price. i saw lots of bo0ks with the titles having the word Ice, "Dry Ice" and "Eastern wind melts ice" to name a few.

there were some 'friends' *that's what they call themselves* who didn't greet me. It's ok since i'm used to that and i don't celebrate it myself. *it's been expectes that i salt *nag-aasin??? haha* when this day comes.. every year. Oh well...

Tuesday, April 15, 2008



kinumpara ako ni idol sa isang fetus. wow, matapos kong maghirap, fetus ako?
bakit ba ako nakaganyan? kasi, nagka-dysmenorrhea ako. at kinailangan kong humiga dahil naging mahaba ang paglalakad namin at yun talaga ginagawa ko kapag sumasakit na. malayu-layo rin ang clinic at di ko na kaya pang maglakad. Ang magaling namang idol, kinunan pa ako ng picture, wow.

sa pagkokolehiyo, may tatlo akong pwedeng puntahan, isang prestige scho0l na paduguan sa pagaaral, isang ok lang na tatanggalin ka pag may bagsak ka. at isang may sinabing madali makahanap ng trabaho pag nagtapos dun pero mahirap magkiadjust sa ibang tao. alin nga ba? haaay.. i need prayers right now, lots of them.


saka na ibang update.

baka pala di matuloy ang pagbalik ni PM.

Tuesday, April 1, 2008

Talumpati, pagkairita

Mahirap talaga pag di ka pinagpapahalagahan, lalo na yung mga sakripisyo mo. Taken for granted.

1 week din akong walang lunch dahil sa pag-aasikaso ng requirements (and i need not elaborate. alam niyo na yun, diba DiyosaH?). Pati nung sa GSP awarding, di na ako nakakain. Ang sabog pa nung 'speech' ko sa kanila. Pinagtawana tuloy ako ng Cadets. Haha.

Alam mo bang napa-asin nanaman ako dahil sa isang bagay last week? At ni hindi mo manlang ako sinubukang suportahan? sino nga lang ba ako sa'yo? Atleast may benefit akong nakuha, luminaw ang tingin ko sa mundo, literal. haha. *Diba DiyosaH? ;D*

###

Mga tunay na kaibigan lang ang nagtatagal.

Naalala ko pala, nung 1++ week na di ako nakapagOnline, ang weird lang. Andaming nagpaparamdam ng pagmamahal sakin thru text, sulat at kung anu-anong paraan. Nagsasabi ng, "Alabshyu", "Labyo0o", "I Love You", "Alabyu".. at iba pang words ng pagmamahal. At madami pang nangngamusta. Iniisip ko tuloy, mamamatay na ba ako? Sana naman bigyan niyo ako ng warning. Di naman ako natatakot na mamatay. Creepy kasi. Yun lang.

###

ang tagal kong di nakapag-update. more than a week din akong di nakapagOnline. kung online man, ito yung pinagkakaabalahan ko. At dahil mahaba-haba ito, napagod na rin ako sa kaka-Type. Dapat kasi di ko to ipopost. E medyo nanghihingi na ng update Si Sky.

###

'to na yung Talumpati. Sana matuwa sina Idol.

Wag kayong mag-alala, hindi baduy itong ginawa ko.. at nakasisiguro akong mapapa-isip ka kung talagang dapat ba talagang malulong sa pag-ibig.


Nakita ko ang tita ko nanonood ng ng isang koreanovela isang tanghali (karamihan ng tita ay hindi talaga.. cool). Ang lalaki sa palabas ay nakaitim at umiiyak sa pagkamatay ng kanyang kasintahan. Sabi ng lalaki, "Wala na ring saysay para sa akin ang mabuhay pa! Wala na rin akong panghahawakan!" Natawa ako sa reaksyon ng tita ko. Palait na binara ng tita ko ang bidang lalaki sa pagsasabing, " Hindi pa nalilibng iyan e nantsi-chicks na yan!" Ilang minuto rin akong tawa nang tawa.

Sa nakita kong yun, napaisip ako. Bakit nga ba ganun ang mga tao? Bakit kapag umibig tayo eh napakalakas ng loob natin at nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin talaga dapat ginagawa. Halimbawa nalang ang pagsasabi ng mga lalaki ng mga walang kamatayang cliché sa tuwing nakikipagusap kayo nang taimtim sa mga kapareha. Bago ka matulog, tatawag ka sa girlfriend mo at sasabihing, "I Love You Baby! You're the first thing i'd think of when i Wake up." Pagkababa mo ng telepono, isasaksak ang DVD ni Diana Zubiri at gagawa ng himala. Haha.

It Lies, Steals and Cheats.

Sa ganitong halimbawa, masusukat natin kung tunay nga bang mabuti ang pag-ibig sa atin o hindi. Kasi nga naman, mahal na mahal mo ang babae, pero sa katotohanan ay madalas mo lang namang binobola sa inihihirit mo sa kanya. Oo, mahal mo siya, walang duda. Pero nagsabi ka na ba ng totoo nang sinabi mong siya lang ang babaeng minamahal mo? Kapag ba pumasok si Francine Prieto sa kuwarto mo mamayang gabi at nagtanong kung kasya pa siya sa kama mo eh matutulog lang kayo buong gabi? Natural na isasagot mo na lalaki ka, at instinct ng manok na kainin ang palay. Pero nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa girlfriend mo na siya lang ang babaeng pinagnanasaan mo?

Dahil mahal mo siya at ayaw mong masaktan siya, sasabihin mo talaga iyon. Nagsisinungaling ka sa kanya dahil sa mahal mo siya. Nagsisinungaling ka dahil sa Pag-ibig.

Sa mga balita sa TV, maririnig mo ang holdaper na mangangatwirang, "kaya ko lang po nagawa iyon ay dahil nagugutom na ang pamilya ko." Oo nga't pretty crime yun. Pero ano rin ba ang katwiran ng mga drug lord at mga corrupt government officials? Hindi ba't pag-ibig din? Si Joseph Estrada ay maraming babaeng iniibig. Sapat na bang suporta yun sa sinasabi ko?

Bukod sa pagsisinungaling at pagnanakaw, tinuturuan ka ng pag-ibig na maging ipokrito. Iritang-irita ka sa mga bakla, social climbers, at mga aktibista. Pero dahil may kaibigang bading ang girlfriend mo, tropa mo na rin siya. Kailangan mo kasing kaibiganin ang mga kaibigan niya para masustain yung relationship niyo. Oo nga't yung girlfriend mo yung pinakikisamahan mo, pero hindi natin maaalis na may usapang-kaibigan sila na hindi mo alam. Mahirap ng makalaban ang bestfriend ng girlfriend mo.


Dahil dito, wala kang choice kundi makisama sa mga kaibigan niyang bakla, mga kaklase niyang social climbers, o sa mayayabang at rich kids niyang pinsan. Aminin mo man o hindi, napipilitan kang gustuhin ang mga kaibigan ng minamahal mo kahit sa loob-loob mo ay gusto mo na silang patayin. Love begets hypocrisy.


yan muna yung first part... actually, tapos na yung buo pero.. ayoko pa munang ipost lahat. teaser lang.


###

Nag-asin nanaman ako kanina *Dahil sa galit, Matinding Galit*, sa may lovers lane. Kasama ko nun si DiyosaH. Madami kaming pinagusapan. Salamat ha? Di mo lang alam kung gaano nakatulong yun.

kanina, nairita nanaman ako sa isang tao. Manhid siya. Yun lang. Ni hindi niya manlang naramdaman na galit ako. Well, lagi naman daw akong mukhang galit. But i Think, cold treatment is enough to show how bad i feel.

Alam mo kung sino ka. Ay hindi pala, Narealize ko rin kanina na Manhid kang talaga. Ano pang silbi inasahan ako kung simpleng LABEL lang talaga yun? Ay, mali pala, wala lang talagang ibang option. Ang masakit pa, Hindi ko naramdaman yung suporta, atleast from you na mas inasahan ko at mas nakuha ko pa yun sa mga taong wala dapat pakialam. Nakita ko rin pala ang tunay mong ugali. Hindi ako naiinis dahil dun, e ganun kang talaga e. Sana lang, matuto kang makaramdam at lumugar hindi yung magiging "Pinakamagaling na estudyante" ka kapag gusto mo at feel mong maipakita na "may pakialam ka" samantalang wala ka kapag para ka namang kabute. FYI: nagiging katulad ka na ni Gwen and IT is a VERY bad thing. Dahil ba yan sa mga bagong nagaganap sa buhay mo? Lagi nalang ding dapat maging malaking issue ang mga bagay, or atleast thats what you're implying *even if its just an accident*. Ikaw na nga ang humihingi ng Pabor, ganyan ka pa? Mahiya ka naman! Sayang lang, kasi kapag may nagagawang mali ang anak, madalas nasisisi ang magulang. At ayokong gawin yun, dahil hindi tama dahil tanging IKAW at ikaw lamang ang dapat sisihin.

di ka magsosori? ok lang, sanay na ako. Sana lang makayanan mong pangatawanan yang desisyon mo. Tulad ng sinasabi mong "walang paumanhin".

And i am not speaking just for myself but for all of us. Lahat kami na nakakaramdam ng ganito mula sa iyo. Mula na rin sa Inyo na grupo ng "Tahimik". Kung pwede lang umalis, why not? Pero di na pala kailangan, mismong sa pagpaparamdam naman e di na required yung side namin.

Sabagay, di naman kami malaking kawalan para sa iyo. E kung iba talaga Priority mo e.

Sa mga taong di nakakakilala kung sino yung tanong tinutukoy ko, wag niyo ng subukang itanong. Di ko rin sasabihin kung sino ito. "ewan" nalang sagot ko.. para safe.

sa taong yun, MAKARAMDAM ka naman!!!

wala naman talagang Grudge, its just that.. para lang malaman mo.

###

I'll just have to accept how things are.

###

Saturday, March 8, 2008

ASIN

ang tagal kong nawala. andami kasing nangyari ngayong linggong ito.

nung monday, Mar 3, napa-Asin ako ng isang Nasaean...
blind item:

basta lalaki siya. obvious na siguro kung sino. sobra akong nairita. not just because of the fact na napa-asin niya ako. Dahil sa maihina ako. dahil kinailangan niya lang magsabi ng isang sentance para matamaan ako. ang masakit pa, of all people, siya pa. pwede namang si krisha, seahorse, sky, rain... kahit sino, huwag lang siya..

one sentence which consists of 10 words. basta nasa PA room kami nun nang sinabi niya yung bagay na iyon. hindi muna ako nag-walk out para di halata. nang umalis ako, sa kasamaang palad, sinundan ako ng isa pang nasaean (Nasaean X) na sumunod sa akin. nag-cr kami tas yun na ang simula ng tunay na pag-aasin.

di ko na ibubunyag ang iba pang detalye.

naweweirdohan lang ako sa sarili ko. kung gaano ko ka-dinedeny ang pag-aasin.. na kahit obvious na.

tinatanong ako ni Nasaean X kung anong problema at dinedeny ko pa. sinasabi ko pa na dala lang yun ng kasiyahang ginawa namin before the incident. *sinong niloko mo!?*
matapos ng pag-aasin, sinubukan kong gumawa ng kung ano-anong bagay para di na iyon mahalata.

sinabi ko pa kay Nasaean X:
- sana kung nagba-blush on ako, sasabihin ko, "ay, natapon yung blush on sa mukha ko"
- alam ko na, "nag-aapply ako bilang 'the next Rudolph', Female version!" *tawa*

isa pang nakakainis, may latak pa ako ng pag-aasin nung nagFil kami, tinatanong ako nun ni quack2 kung bakit ako nag-aasin, sabi ko, "kasi nakatakas na si Edmond, yehey!"

oo, palusot nanaman... sorry ha!

###


nag-asin nanaman ako kahapon. Mar 7

basta umaga noon, napansin naman siguro ng ibang nasaean *lalo na si dragon* na wala akong gana nung umaga. sinasabi ko nalang sa kanila, "wala kasi akong tulog..."

umaga pa ako nag-asin nun. nakakahiya pa, napansin yun ni lashes, at iba pang Narra.

as usual, punta ng cr...

matapos ang pag-aasin, naglakad-lakad kami ni egde.


sinundan ang pag-aasin na ito nung pe time. kasi naman.

dahil ito sa isang tao. Hindi ko na babanggitin kung sino siya. sigurado rin namang wala siyang pakialam sa akin. ok na rin yun. ganyan talaga buhay eh.

###

mahirap pala mag-baril.. haaay... malaking responsibilidad ang ipinataw nila sa akin.


pasensya na uli sa post na 'to... haaay

saka na yung comments ko sa recital...

Saturday, March 1, 2008

tama na

may nangyari nanaman kanina...

buti nalang at di ako nagkaroon ng visible na gash... muntik na...

mahirap pang magkwento ngayon.. naaalala ko pa ang lahat.. ang pangangailangangang tumakas para sa sariling kapakanan.. ang takot sa mga yabag.. ang pakikipaglaban...

saka ko na ikukwento...


###

dahil kailangan kong sumaya... o ngumiti.. o tumawa... *atleast once a day*

eto ang jokes...

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po

~ ~ ~

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: Eh ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino ‘yun!
Mister: DA COS of all my ZORROs!

~ ~ ~

8 best things to do when bored
1. papakin ang kape kunwari milo
2. pag-aralan ang lengguahe ng mga ipis
3.punuin ng tubig ang inodoro
4.paghiwalayin ang coffee creamer at sugar sa 3 in 1
5. pagkasyahin ang sarili sa ref
6.buksan ang tv gawing radio
7. magbilang ng buhok
8.sunugin ang bahay at sumigaw ng yehey!!!

~ ~ ~

Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
Teacher - Bakit may nakatagong papel sa kamay mo?
Pupil - Mam, prayers ko lang po yan.
Teacher - Bakit may mga sagot dito?
Pupil - Naku, sinagot na ang prayers ko!

~ ~ ~

###

sinend ko yan sa mga OL na tao sa ym.. biglang may nagtanong sakin

siya: bakit ang dami mong joke?
ako: kasi kailangan kong sumaya

salamat ulit sa isang taong sinubukang magjoke..

although di nakakatawa lahat... atleast.. nakakatulong..

###

sa mga taong gustong malaman ang mga bagay:

ang lahat ng iyon ay darating sa tamang panahon. PLEASSSEEE! wag niyo akong pilitin.

kung mangyayari, mangyayari ang mga bagay... yun ay kung gugustuhin at may gagawin...

Wednesday, February 6, 2008

bad day...

bumalik nanaman ang allergis rhinitis ko kanina kaya nahirapan ako sa buong araw na 'to sa school.

nakakabaliw ang quiz sa physics. wala ata saming nakasagot kaya binago ang tanong. naalala ko kanina yung sinabi ni Janro nung nasa English class kami... "ako si ice..." [okayyy?... and since when?... pero sabi ko "ok...". sasabihin ko ngayon, Ako si Ice... hahaha]

eto na....

nung trigo, ok naman nun una. bigla lang nawala panyo ko.

Ako: *narealize na nawawala na ang panyo kaya naghanap*
Sky at rain: *tinitingnan ako*
Ako: *naupo sa may gilid ng 'stage' na malapit sa teacher's table*
Sky: ok ka lang?
Ako: hindi eh.
Sky: bakit, anong problema?
Ako: nawawala panyo ko. wah.
Sky: *naghanap* baka nasa bag mo.
Ako: *dinouble check ang bag ko* wala eh
Sky: sa plastic na yan?
Ako: wala, di ko yan ginagalaw *chineck na rin*
Ako: *medyo nagpapanic na...* [poof: may nakita... may hawak na pink na panyo si Maykel.. hindi naman nagpipink si maykel ah, pero malay ko ba...]
Ako: *tinititigan si maykel* [may nakitang blue na panyo sa desk ni maykel. supposition: kay maykel ang blue, akin yung pink. pero, bakit nasa kanya?]
Ako: kaya pala nawawala panyo ko eh, nakay maykel! [medyo napalakas kaya marami ang napatingin.]
Maykel: *nagpupunas ng ilong habang nagbabasa ng magazine* ha? [tingin sa panyo.] bakit nasakin to?
Ako: wahhhhhh..... :((
Maykel: sorry, lalabhan ko nalang.


ayun. kaya ngayon, pinagtatawanan ako ng mga Nasaean na nakakaalam nun. Ang weird lang din. napakaodd. haaay...

nakita ko si ma'am rox kanina na may hawak na cards na bicycle *yung clear na pink*
naalala ko tuloy na gusto ko nung bicycle na black ang white. dapat bibili ako nun nung nasa star city kami, wala akong pera eh. haha.

Baking, ok naman yung tarts, kung wla lang sanang nag-'sweet escape' *ika nga ni Jace*

nanood pala ako ng softball ng acacia, ang glaing nila. Karir. ang saling pa nung STs, parang ang bait. Gusto kong makabat nang mataas, yung ludz-like or Johr Roe-like bat. haaay...

###

may ishe-share lang ako...

seemingly 'small' things

1. the last 25-centavo coin to complete that jeepney fare
2. An eye-drop that stopped the tingiling in your eye
3. a bullte
4. a grain of rice
5. contact lenses
6. a mole on someone's face, shouting out but cannot be heard
7. a pimple ready to take on the world
8. food stuck between your teeth
9. a golden ring around one's finger, symbolizing forever

Things that tug at the hearts of girls, and most women.

1. having the door opened
2. waiting alone in a park while silently witnessing the dance of falling leaves
3. Chocolates form an anonymous sender. (No matter how cliché it may be)
4. puppies
5. Recieveing that item you've wanted for a long time, when you've never told anyone you wanted it.
6. a crying man.
7. a man who can dance.
8. a woman with unfulfilled wishes and dreams sees a falling star for the firts time *i like this. :D*
###

paalam na muna, gigising pa ko ng maaga para sa meeting bukas. at maghahanda sa new year.

Monday, February 4, 2008

hay.

sir isang kasumpasumpang umaga sir.

ano nga ba? maaga akong dumating sa scho0l, 7:15 uli. haha. nakita ko bigla si Kame.

Kame: uyyyy.....
Ako: Kameeee!
Kame: *gumagawa ng movements sa kamay na parang 'traveling pero counter-clockwise'*
Ako: ano?
Kame: Mag-raise tayo!
Ako: Ha?!? *oh no...* Pwede bang... pass muna ako. kahit sa susunod nalang?
Kame: *umiiling* hindi eh...


*kasi, yun yung kinatatakutan kong mangyari, ang magraise ako. haaay....*
maya-maya, pinagtataguan ko siya... unfortunately, nakita niya ako. at lima lang kaming cadets ang nakauniform. sakto. *i am so luckeeeeeeeeyyy*

ayun, isang tanungan lang kay mandz and we had to raise the flag. ako pa yung naging color guard. haaay.... nung naka-"chtung" *hahaha* ako, nakita ko pa yung mga bata at ilang 08 na tinuturo ako. pero di parin ako natawa.
basically, naging ok naman ang lahat.
pinuri ako nila jero, pero feeling ko, naawa lang sila. hahaha...

###

Never forget your grudges, they make you stronger.

nakakaantok nung english, nahihilo pa ko. hinawahan ata ako ni rain.
physics, kinakausap ako ng taong kinagagalitan ko. no matter how hard i try to avoid having a conversation with that person, ang hirap. di naman kasi ako ganun kabastos para mangsnob nalang... unlesss.... hahahahaha kinidnap ko pala si sylvester, at dahil dun, inatake ako ng allergic rhinitis.

mas malaki kinita namin sa PA compared sa past two days namin. buti naman. Pero nangangamba kami sa kikitain namin kapag dry goods na. bumili samin yung magandang teacher. nakakatawa lang kasi nung matapos ibigay ni CJ yung taco, *thank you ma'am*. wow, may ganun. samantalang pag iba, walang thank you. ni ha, ni ho, wala.

filipino, bumaba ako ng 5 points sa card. masesermunan ako nito, sigurado yun. atleast five lang, unlike yung ibang mga nalaman ko na more than 15 yung binaba... buti na yung 5 lang.. although malaki parin yun.

vm - umalis si sir. nung nagmeet na yung groups, dun ako nagsimulang mainis. napakainconsiderate nila. tama bang formal?... wow, "tinalo pa ang prom." - rain. pagkatapos nun, nagpiano si kevin. at tiningnan ako ni B. so lumayo ako sa piano. maya-maya, tinuro ko kay kevin yung tamang notes at kung ano ang mali niya. well, wala na kasi nun si B. at naisip ko ring mabait naman si Kevin kaya bakit di ko siya tulungan? atleast, bago ako mamatay, may nagawa akong makabuluhan.
maya-maya.. sinabihan ako ni B na magpiano, sabi ko ayoko. *kasi ayoko ng humawak ng piano.. for some very personal and deep reason* sabay sabi ni B "uy, antayin ko mamaya tugtog mo ha...". isa pang nakakainis, yung kinakanta kanina na song, gusto ko tuloy umiyak. malalim din kasi ang nangyari eh. hindi ako madaling umiyak. wala ring makarelate sakin kasi walang nakikinig. isa pa, yung binaggit na gustong ipatugtog ni b. haaayy buhay.

matapos naming magrehearse, pumasok siya sa room at sinama ako. dapat di ako tutugtog dahil may Ibang tao sa kwarto. lalo na't isang napakagaling na musikero yung isa kaya nakakahiya yun para sakin. isa pang masamang bagay dahil maraming keys yung sira. dahil gusto talaga akong marinig ni B, in-on pa yung electronic. wow. dahil no choice na ko, ayun at tumugtog na rin. tama bang salain ang lahat ng alam ko?

haaay. pero masaya naman ako't natugtugan ko ang mga kaibigan ko. kahit may ibang tao, na hindi naging masaya para sa akin. sinubukan kong turuan si sky pero kinailangan na rin naming umuwi. habang tumutugtog, naririnig ko ang paggigitara nang bigla itong tumigil. kinabahan ako nun kasi akala ko'y hinuhusgahan na ang pagtugtog ko. nang bigla siyang kumanta. wow, medyo nakakatuwa, kasi kahit pano, feeling ko may natutunan na ko sa pagtugtog. yung feeling na nakakuha ako ng puri mula sa isang marunong sa musika. pero hindi rin, sige, for the first time, i will SPeculate. hahaha.

umuwi na rin ako matapos nun.

totoo parin ang paniniwala ko, iyon ang therapy ko.

###
pagkauwi ko, may txt msg...

1. "hey, what's your number at home?"

2. "i missed your call, where can i call you?"

grabe, di ko siya tinawagan, alangan namang gawa yun ni kuya? imposible. ano ba yun? hanggang ngayon di pa ko nagrereply. nagulo lang lalo utak ko eh.

###

nakakalungkot lang ulit, sinubukan ko muling magkwento sa mga tao. its either busy sila, di nila ako priority or things just don't fall into place. masakit lang kasi. napakasakit. oo, kaya ganun nalang ang lungkot ko sa mga panahong may nagpapangako na napapako rin. masakit talaga eh.

minsan din akong nakapagkwento sa isang narra-ean. kahit sa ym ko lang siya nakausap, nakakatuwa parin. biruin mong nagmalasakit siya sakin at nagtanong na "ok ka lang ba?". alam kong di mo 'to mababasa pero salamat ng marami. di ka pala tulad ng iniisip ng lahat. kahit di kita maituturing na kaibigan, salamat parin.

oo sige, madrama nanaman, pero ano bang magagawa ko?...

Tuesday, January 29, 2008

evil....

takte...

ngayon na tapos na ang lahat at maayos na ang buhay ko... biglang magcocollide lang ang mundo para mapaglapit kami? wag naman ganun... ayoko rin namang marami ang makaalam tungkol Dun kasi baka lumala ang lahat at lalo akong maiilang...

lagi nalang binabanggit ang tungkol sa kanya.. at malalaman kong bigla kaming magkakaroon ng koneksyon uli?.... haaay....

out of 70, nakaline of five lang ako... so, 80+ nalang highest ko... kailangang kailangan pa naman mahatak ng grades ko... haay...

###

nalaman ko pang ang baba ko sa baking... baking na nga lang eh... ambaba pa...

###

ewan ko kung ako yung sinisisi mo... oo na, kasalanan ko na.. aakuin ko na ang lahat,.. kung yun ba ang kailangan kong gawin para mabawasan problema ko....

###

ginawa ko kanina yung capers namin sa gsp... pinagsama ko mga di magkasundo... sabi ni kame eh... hahaha... nakakatuwa pa.. yung iniisip naming theme... fairytale...

deng: anong theme?
Kame: fairytale....
neng:tas lahat nakagown!
ako: tapos ano yung reason kung bakit fairytale? kasi puro hirap sa simula?...
sila: oo tama!
ako: wow,... joke dapat yun eh...


may naisip pa kaming paraan ng pagpapahirap,...

una, ang aalagaan sa camp, imbis na sisiw, cadet.. dapat di mamatay... hahaha... tapos dapat alagaan si ale, pag na hyperventilate siya, lagot!

yung isa pa, yung mga elem, itatali namin sa mga puno, tapos ililigtas nila.. bwahaha

nalulunod yung mga bata, ililigtas nila

nasa cage yung bata kasama yung mga leon,... ililigtas uli nila... bwahahahaha... EVIL... >:)

###

sinubukan kong magbukas ng ilang pahina ng buhay ko... pero ang pinagbukasn ko nito ay tila ba walang pakialam... nakakapanghinayang... sana di ko nalang ginawa yun... kung sino pa yung mas gustong magbasa, yun pa yung di ko binigyan ng pagkakataon na mabuklat manlang ang libro....

gusto ko na magbago ng layout... baguhin ang lahat... at mabuhay nang matiwasay....
takte ang drama... wah

aalis pa pala kami ni mutsin bukas... nakakatamad tuloy magpuyat... andami pang hw...

Monday, January 28, 2008

pagod na ako...

namili na kami ng kanta sa vm... grabe, mas nakakakaba 'to kesa sa mga nauna kong recital... kasi ngayon, kilala ka ng audience... you're showcasing yourself as a whole... haaay...

###

siguro nga duwag ako... pinilit ko pang umiwas sa mga possible encounter... pagod pa kasi ako... gusto kong mag-isip... mag-isip nang mag-isip... hanggang maliwanagan at magising nalang ako na maayos na ang lahat...

###

dahil sa ilang mga problema...
sinabi sakin kanina ni sky...

sky: ismayl : D
sky: hayaan mo na yun. di dapat pinagaaksayahan ng oras yung mga taong ganun haha
ice: ayos ah....
sky: to naman.. haha

ewan ko kung bakit, pero kahit isang sandali ay napangiti ako sa mga sinabi niya....

###

kahit di ko gustuhin, maghirap maiwasan ang katotohanan... sa bawat pagtingin ko sa inbox ko, makikita ko ang message na yun... maiisip ko ang sitwasyon ko... kahit san ako tumingin, naaalala ko lang 'yun...

nung nasa P.A. room ako at tinitingnan uli ang message na yun, nalungkot lang ako, buti nalang at dumating si han at nasagip ako bago pa man ako malunod sa mga iniisip ko...


kahit gaano kasakit para sakin ang makita iyon, lalong mas masakit lang para sakin na isipin ang pagkawala ng message na 'yun... kahit alam kong malulungkot ako sa bawat oras na babasahin ko 'yun, alam kong sa pagtagal, magiging balewala na yun sakin... oo, maaaring maging ilang araw, linggo o buwan.. pero makakayanan ko rin yun... kahit na kasabay nun ay ang mga naririnig ko mula kay a***, M***i* at F**s**...

ang hirap... nalulunod na ko sa mga nangyayari... aside from the fact na muntik na kong atakihin sa mga nangyayari... haayy....

i have nothing else to say... *sigh*... and im just too tired of everything... and everyone doing this to me...

P.S. salamat kila idol, sky at rain na nagaaksaya ng oras nila para lang basahin ang mga walang kwentang bagay na pinagsasasabi ko... mga kalokohan... kailangan ko lang ding malabas to, kahit kaunti lang...

pagod na ako... pagod na pagod...

Sunday, January 27, 2008

what a day!?

You have a choice... you always will....

at ako ang pinapacompile ng gawa namin sa eng. ok lang talaga eh... but the fact na nasa ospital ako nun, at pinilit na umuwi agad para lang dun.. at malalaman ko pang di pa nasesend?.... hindi ko sila pinagmamadali... its just that you guys told me to compile it around 11 am, then "T" sent it to me by 9 am the next day... yun ba ang SANDALI mo?... ano ka pagong?... or you mean sloth?... whatever alibi you have, i don't care, just be responsible. magcocollege ka na. mas matanda ka pa nga samin eh, ikaw pa yung ganyan. yeah sure, you're busy with loootsss of stuff, am i not busy too?... i even rushed going home just to check my mail, and guess what, ubos na card ko. sorry ha, hindi kami kasing yaman mo. why don;t you just try being considerate and put yourself in my shoes. ikaw na nga yung mas matanda at expected na maging mas responsible, baliktad pa ang nangyayari. grow up!

###
sa taong manhid....

tulad ng sinasabi ni rain, ito lang masasabi ko sa'yo....

"kung gaano katibay ang paninindigan mo na hindi mag-sorry, mas matibay ang paninindigan ko na hindi ka patawarin. ganun lang yun kasimple. at kung hindi mahalaga sa iyo ang kapatawaran ko, MAS hindi mahalaga sa akin ang makasundo ka. alam mo na kung sino ka... o baka naman talagang nagmamanhid-manhiran ka lang?"
*ayee, kilig si rain*

oo nga pala, pano mo aasahang magsorry ang isang taong manhid? or should i say, someone who just doesn't give damn?...

tulad ng sinabi ni 4ever, bawal na makitang may kausap dahil baka iba ang isipin ng mga tao... for once, can't people just not care about what other PEOPLE THINK!? oh well,.. wala na akong magagawa tungkol dun... sometimes, its not what other people think that's important, its the way you defend and stand for what you believe. be a man!

kung gusto, may paraan....
kung ayaw may dahilan...
'
ang cute ni Peng, kaya lang nakatabak lang siya sa kwarto ko... hehe... bantay...

lumabas na pala results sa school ni star... haha... wala lang...

Sunday, December 23, 2007

nakakapagod...

kanina, nagsimbang gabi ulit kami at siniguro kong maaga kami dahil nakakatuwa yung pari sa misang iyon. si Father Popoy, siya yung nagbo0m tarat tarat. ayun, maaga nga kami.

nakakainis lang dahil may biglang dumating na babae *40++ y.o.* at pinilit isiksik yung pwet niya sa upuan namin. ayun, sardinas lang naman kami the whole time to the point na pagka-communion ko, di na ako nakaluhod sa luhuran dahil sobrang sikip.

nung sa responsorial psalm na, nakakatuwa, ang ganda nung boses nung lalaki *40++ y.o. na rin* pero sa gitna hanggang dulo, off key na siya.

homily... ang pinakaaabangang parte...

nakakatuwa dahil para siyang nagtatalumpati...

gumawa siya ng hand guestures... at pinahulaan sa amin at nagkwento,... nakakatuwa talaga... hehe.

una niyang kwento yung isang nangungumpisal. sinabi niya kasi na kapag nangumpisal, siguradong di yun lalabas.. *sandali, bakit niya kwinento? akala ko ba di lalabas?* at pinagmalaki pang kaya lalaki ang pari, makakapagtago ng sikreto... Evil...

nangungumpisal: Father, patawarin niyo ako dahil ako'y nagkasala... marami na akong napatay...
Fr: bakit mo naman pinatay ang mga kapwa mo?...
nangungumpisal: sinabi kasi nilang may diyos... sinong nagsabing may diyos? kayo Father, naniniwala ba kayong may diyos?
Kami: *tawa*
Father Popoy: Pero di yun yung point, di lang talaga lalabas ang mga iyon sa kumpisalan.


next..

delivery room.

Nurse: *lumabas.. @Dad1* mister, congratulations, kambal po ang anak ninyo..
Dad1: ang galing naman, nagtatrabaho din ak0 sa twin baseball.. *blabla...*
Nurse: *lumabas.. @Dad2* mister, congratulations, triplets po ang anak ninyo..
Dad2: nakakatuwa naman, nagtatrabaho ako sa 3M company...
Nurse: *lumabas.. @Dad3* mister, congratulations, quadruplets po ang anak ninyo..
Dad3: Ako naman ay nagtatrabaho sA four seasons...*blabla*...
Dad4: *di pa lumalabas ang nurse, pawis na pawis ang Dad4 at halatang natataranta hanggang halos himatayin. tinanong ng 3 dads kung anong problema...*
Nagsisisi na ako,... ako'y nagtatrabaho sa 7up...

*di ako natawa dito... wala lang...*

last...

sa simbahan, kinanta na ang papuri sa diyos, dahil matanda na ang pari, naupo muna siya. Mahaba ang kanta, kaya't nakatulog siya...
matapos ang kanta,.. kinakalabit siya ng sakristan at ginigising...
S: father, tapos na po ang papuri sa diyos.
dahil bagong gising, di niya alam ang gagawin... *medyo drowsy pa*
F: *in bisaya* ulitini niyo, kantahin niyo ulit...
at sinunod siya ng choir...

Father Popoy: see how powerful fathers are...

ayun...

ang laki pala ng moon kanina... triple the size of a normal moon...

nagiging weird na rin ang mga panaGinip ko...

dumating nanaman ang gf ng kapatid ko... magmomovie marath0n ata dit0 sa bahay... at inaya pa akong sumama.. anong silbi ko?... tagalinis?... haayyy.....

Monday, December 17, 2007

simbang gabi

dahil di ako sasayaw sa field demo, update muna... plano ko palang pumunta ng school ng mga 1 pm. sasamahan ko parin kasi mom ko. ayoko kasing wala siyang kasama pag umaalis, mahirap na... :D

second day na ng simbang gabi... haha... sana makumpleto ko.

kahapon pala, namili si mom ng pangregalo, well ako rin. pero more than ten hours of walking around the mall and shopping, hindi ko kaya yun, hanggang ngayon, masakit parin paa ko. haaay. nakabili na ko ng regalo para kila kuya. tig-isang shirt sila at isang jacket kay mom. all courtesy of nike... haha.. fave.. may isa pa kong nakitang top ng nike... knitted siya... nacute-an ako sa nakasulat ehh...

Kay dad, baka mamaya ko na bilhin... jacket din. lamigin kasi sila ni mom... sana mabilhan ko rin sarili ko ng regalo. Yung ring na nakita ko sa isang shop. nakita ko kasi... "50% off" sabay pag pasok namin ni mom sa shop para maginquire, di nakasale yung ring na yun... well, for some reason... i dont want to elaborate.. hehe

nasira nanaman pangarap ko kahapon, triny kong magbake nung banana merengge pie. ok yung crust, perfect... except sa lasa niya.. *refer to module*.. in the end, masarap naman daw .. inulit ko yung crust.. hehe..

sana makumpleto ko yung simbang gabi... nakakatuwa lang, usually, kapag nagigising ako ng 4, inaantok pa ako. ngayon, hindi... hehe wala lang..