Showing posts with label jokes. Show all posts
Showing posts with label jokes. Show all posts

Friday, November 14, 2008

ana-ana-natomy.... what?

cheek cell ko... hehe. nakakagulat yung pagkuha sakin nyan. bigla nalang sinabi ng kakalase ko... "nganga." ayun. tapos pinasok yung swab. nag-volunteer din ako dun sa blood sample pero iba yung pinili. buti na rin yun. manually pala yung method ng pagkuha e, hindi gagamit ng pen *may masama akong experience sa manual na method*

---> once upon a time, nagkadengue ako. nagpakuha ako ng dugo at pumayag na ko na sa daliri ako kuhanan *thinking na pen yung gagamitin* e may galit ata sakin yung babae. manual yung ginawa. may dengue pa ko nun at hinang-hina. ginusto ko siyang sakalin nun e. haha.




speaking of cells... of tissues...

joke:
anong english word ang ibig sabihin ay "ikaw nga!"? *one word lang*
ans: tissue! hahaha

e yung "ikaw ba yan?" *one word uli*
ans: statue?...

hahaha. korny!!!

###

mababa ata ako dun sa test kanina sa anatomy. takte! cell yung topic. e no erasures pa at shading yun gamit pen. hay.

###

di ko na pala nakikita si intsik ngayon. buti naman. at may journal kaming kailangan gawin sa english class. write everyday about randomness and what have you. at book report every month.

###

may kaklase pala kong babaeng pusong lalaki. nakakagulat lang, ang touchy niya. ma-akbay. mahug at makiss. pag nakakatabi ko, biglang aakbay. tapos ang lapit pa ng mukha pag nagtatanong. pero tinatrato ko parin siyang babae. walang malice. close friend kumbaga.

pero ang gentle-woman at maaalahanin niya. akalaing sinamahan pa ko bago ako umuwi.

###

sige, aral na uli. X)

Friday, October 24, 2008

Moral: Magsuot ng Gown pag manunuod ng Sine!

bihira akong sumagot ng telepono sa bahay. at kung kailan ako nasa mood, saka nakakainis and tumawag.

*ring*
~isang ring lang, sinagot ko na...
Lalaki: Hello, pwede kay First Lady?
Ako: Wala po siya...
L: ahh..
A: Sino po sila?
L: ah, kaibigan niya
A: Sino pong kaibigan?
L: ah.. di bale nalang.
A: hello... Sino po sila?
L: kaibigan niya.
A: sino pong kaibigan? Marami po kasi siyang kaibigan e.
L: Ah di bale nalang.
A: Sino nga po sila?
L: Bakit? Para saan?
A: para po kapag dumating na siya, sasabihin kong tumawag po kayo *aaarrrghh*.
L: ...
A: hello... hello...

~wala na...



anong klaseng tao yun? nakakainis.. haha, kaibigan niya. hahaha. HAHAHA. tsss..

ayoko ng sumagot ng phone. naging spontaneous pa man din ako. tsktsk. again, wrong place and wrong time.

###

nanuod kami kahapon ng Max Payne kasama sina Atsi...
sa dulo, may nagsabi sa'min na guard na kesyo 1 show lang... in a VERY humiliating tone...
ayun, kinonfront ni Kuya Eric... haha, buti nga. I mean, hindi kami masamang tao e... pero yung pambabastos,... pwede niyang sabihin nang maayos samin...
another thing, nung sinabihan kami, pinapanuod namin yung pahabol na scene *AFTER CREDITS*. basically, kitang-kita niya naman na nanunuod pa kami nung pahabol.
nakakainis lang. at kinampihan pa nung usherette yung guard at sinasabing di na importante yun. *have you ever heard of the term Epilogue? ha? ha?* tsss... yes it isn't necessary but it is essential when it comes to a story, or a book, in other cases...

lagi nalang tinetest yung patience ng pamilya namin. tsktsk.

*parang nung kumain kami sa dads saisaki kamayan, nung nag-valet parking... nabangga nila yung kotse. of all people, kami pa. tsktsk*

###

text ng blockmate ko...

nagjoke si Lolo...
Q: anong last name ni ANCHOR?
A: Tis...

ANCHORtis... hahaha

bumanat si Lola...
Q: Anong first name ni nemo?
A: ANCHOR...

ANCHORnemo...


di ko agad nagets nung una yung nemo... hahaha... wala lang...

###

Saturday, March 1, 2008

tama na

may nangyari nanaman kanina...

buti nalang at di ako nagkaroon ng visible na gash... muntik na...

mahirap pang magkwento ngayon.. naaalala ko pa ang lahat.. ang pangangailangangang tumakas para sa sariling kapakanan.. ang takot sa mga yabag.. ang pakikipaglaban...

saka ko na ikukwento...


###

dahil kailangan kong sumaya... o ngumiti.. o tumawa... *atleast once a day*

eto ang jokes...

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po

~ ~ ~

Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: Eh ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino ‘yun!
Mister: DA COS of all my ZORROs!

~ ~ ~

8 best things to do when bored
1. papakin ang kape kunwari milo
2. pag-aralan ang lengguahe ng mga ipis
3.punuin ng tubig ang inodoro
4.paghiwalayin ang coffee creamer at sugar sa 3 in 1
5. pagkasyahin ang sarili sa ref
6.buksan ang tv gawing radio
7. magbilang ng buhok
8.sunugin ang bahay at sumigaw ng yehey!!!

~ ~ ~

Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
Teacher - Bakit may nakatagong papel sa kamay mo?
Pupil - Mam, prayers ko lang po yan.
Teacher - Bakit may mga sagot dito?
Pupil - Naku, sinagot na ang prayers ko!

~ ~ ~

###

sinend ko yan sa mga OL na tao sa ym.. biglang may nagtanong sakin

siya: bakit ang dami mong joke?
ako: kasi kailangan kong sumaya

salamat ulit sa isang taong sinubukang magjoke..

although di nakakatawa lahat... atleast.. nakakatulong..

###

sa mga taong gustong malaman ang mga bagay:

ang lahat ng iyon ay darating sa tamang panahon. PLEASSSEEE! wag niyo akong pilitin.

kung mangyayari, mangyayari ang mga bagay... yun ay kung gugustuhin at may gagawin...