Showing posts with label gift. Show all posts
Showing posts with label gift. Show all posts

Wednesday, February 6, 2008

bad day...

bumalik nanaman ang allergis rhinitis ko kanina kaya nahirapan ako sa buong araw na 'to sa school.

nakakabaliw ang quiz sa physics. wala ata saming nakasagot kaya binago ang tanong. naalala ko kanina yung sinabi ni Janro nung nasa English class kami... "ako si ice..." [okayyy?... and since when?... pero sabi ko "ok...". sasabihin ko ngayon, Ako si Ice... hahaha]

eto na....

nung trigo, ok naman nun una. bigla lang nawala panyo ko.

Ako: *narealize na nawawala na ang panyo kaya naghanap*
Sky at rain: *tinitingnan ako*
Ako: *naupo sa may gilid ng 'stage' na malapit sa teacher's table*
Sky: ok ka lang?
Ako: hindi eh.
Sky: bakit, anong problema?
Ako: nawawala panyo ko. wah.
Sky: *naghanap* baka nasa bag mo.
Ako: *dinouble check ang bag ko* wala eh
Sky: sa plastic na yan?
Ako: wala, di ko yan ginagalaw *chineck na rin*
Ako: *medyo nagpapanic na...* [poof: may nakita... may hawak na pink na panyo si Maykel.. hindi naman nagpipink si maykel ah, pero malay ko ba...]
Ako: *tinititigan si maykel* [may nakitang blue na panyo sa desk ni maykel. supposition: kay maykel ang blue, akin yung pink. pero, bakit nasa kanya?]
Ako: kaya pala nawawala panyo ko eh, nakay maykel! [medyo napalakas kaya marami ang napatingin.]
Maykel: *nagpupunas ng ilong habang nagbabasa ng magazine* ha? [tingin sa panyo.] bakit nasakin to?
Ako: wahhhhhh..... :((
Maykel: sorry, lalabhan ko nalang.


ayun. kaya ngayon, pinagtatawanan ako ng mga Nasaean na nakakaalam nun. Ang weird lang din. napakaodd. haaay...

nakita ko si ma'am rox kanina na may hawak na cards na bicycle *yung clear na pink*
naalala ko tuloy na gusto ko nung bicycle na black ang white. dapat bibili ako nun nung nasa star city kami, wala akong pera eh. haha.

Baking, ok naman yung tarts, kung wla lang sanang nag-'sweet escape' *ika nga ni Jace*

nanood pala ako ng softball ng acacia, ang glaing nila. Karir. ang saling pa nung STs, parang ang bait. Gusto kong makabat nang mataas, yung ludz-like or Johr Roe-like bat. haaay...

###

may ishe-share lang ako...

seemingly 'small' things

1. the last 25-centavo coin to complete that jeepney fare
2. An eye-drop that stopped the tingiling in your eye
3. a bullte
4. a grain of rice
5. contact lenses
6. a mole on someone's face, shouting out but cannot be heard
7. a pimple ready to take on the world
8. food stuck between your teeth
9. a golden ring around one's finger, symbolizing forever

Things that tug at the hearts of girls, and most women.

1. having the door opened
2. waiting alone in a park while silently witnessing the dance of falling leaves
3. Chocolates form an anonymous sender. (No matter how cliché it may be)
4. puppies
5. Recieveing that item you've wanted for a long time, when you've never told anyone you wanted it.
6. a crying man.
7. a man who can dance.
8. a woman with unfulfilled wishes and dreams sees a falling star for the firts time *i like this. :D*
###

paalam na muna, gigising pa ko ng maaga para sa meeting bukas. at maghahanda sa new year.

Friday, December 21, 2007

boom tarat tarat... Ice breaker

simbang gabi ulit. Nabasa ko bigla yung pamphlet na nasa may upuan... nakasulat,, "pick me up, i can help you..." ayun, kinuha ko, may prayers... ipaxerox ng 81 copies at mag-iwan ng 9 per simbang gabi.. wish and it'll come true... o0o0pss... too late....

Pero sandali, bakit ng ba ako nagsisimbang gabi? Dahil sa wish? Believe it or not, hindi. I don't even have any intentions of making a wish, for me, its a way of thanking Him for everything.. for all the challenges, blessings, lessons and basically, giving me a second chance to live. *Thanks Po! :D*... isa pa, for me, it's another first, atleast it'll be the first time i'll complete it and have the chance to do a sacrifice.

naalala ko nung 4th night, maraming natutulog kaya yung pari kinailangan gisingin ang mga tao, bigla niyang sinabi.... *ice breaker baga...>>> haha sky, naaalala ko bigla si Star... Psych....chaka si peng hahahahaha.. wala lang...*

Priest: boom tarat tarat, boom tarat tarat... tararat, tararat,...
Kami: boom, boom, boom... *mahina*
Priest: isa pa... boom tarat tarat, boom tarat tarat... tararat, tararat,...
Kami: boom, boom boom!...

kanina, circular lang yung pari... i hate circular sermons... haaay...
natulog uli ako paguwi.

pag-gising ko, naghahanda para sa darating na bisita, girlfriend ni kuya, magbe-bake daw sa bahay. Ayun, wala kami nung tamang pan kaya bumili pa ako. pagkauwi dito, gawa ng article, binigyan na rin ako ng ninang ko ng gift. wala lang, natutuwa kasi talaga ako pag binibigyan ako ng gifts... parang bata. hehe. pero ayun, pag binibigyan ako ng gift At letters, natutuwa ako.

Salamat pala sa mga nagbigay ng regalo sa akin at nakaalala. Salamat talaga... :D

Thursday, December 20, 2007

update! update!

monday, late ako pumunta sa school,maaga akong nagising para magsimbang gabi... ah, long story...

pagdating ko dun, paranormal agad... maraming tinuro samin... sikreto daw yun dapat..

punta kami ng Gsp booth, at nanghuli ng mga tao. Karla ata pangalan nung lower batch na yun, dapat mahuhuli ko siya kaya lang naawa naman ako. Golden rule nga.. tulad ng sinabi ko sa isang Nasaean... kung ako man, ayokong ipahuli ako para lang maipakasal.

umuwi na rin ako agad.


tuesday, mga tanghali na rin ako pumunta at nakita ko agad si C. tumambay kami at napagusapan namin ang bago niyang crush. inaasar ko siya na baka isang araw, malaman niyang gf na nung crush niya si E. kasi naman, nakakagulat yun. bigla niyang sinabi na mas magugulat siya kung maging gf ng crush niya si V. kasi di interesado si V sa crush niya.

pumunta muna kami ni C sa k-2 para ibigay ang regalo niya. hiniram ang libro ni D at pinaxerox. bumalik na kami ng hs.

nasenti ako nung araw na yun, nakita ko ang isang tao at inaya niya ako sa bo0th nila. akala ko naman, sa ginawa niyang yun, matutuwa ako or mapapagaan niya manlang ang loob ko. pero hindi.
Strike 1: nasa booth na yun ang isang taong iniiwasan ko
Strike 2: nasa booth na yun ang isang taong kinaiinisan ko dahil bastos siya. literal. oo. nalaman kong bastos siya. *mukha siyang mabait pero hindi. yes, looks can be deceiving*
Strike 3: dumating ang isang taong ayokong makita.
strike 4: ayoko ng sabihin ang rason na to. nakakainis lang kasi kaya ako pumunta doon ay umaasa akong makakapagisip ako. pero nainis lang ako lalo.
strike 5: basically,... lalong sumama ang loob ko.

dahil sa s1, di ko ginustong pumunta pa sa booth na yun pero nahihiya ako sa taong nagyaya sakin. courtesy manlang... isa pang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta sa booth na yun ay dahil sa s2. para may dahilan akong tumambay dun, hiniram ko ang libro ni kevin at nagbasa... eventually, napapikit na rin ako *>>na ginagawa ko pag nagiisip ako ng malalim. inakala ni meiji na natutulog ako. sa sama ba naman ng loob ko ay makakatulog pa ako?... haaay* maya-maya, nangyari ang s4... saka dumating ang isang tao..s3...... s5... kaya umalis din ako agad... gumawa ako ng rason para makaalis...

btw, ayoko palang dinuduro ako, if thats gonna make people realize their fault...


nakatulong yung binigay ni mentor na unan... atleast may kasama ako... di talaga ako mahilig sa unan... mas gusto ko kasi ang stuffed toy... pero salamat talaga... saktong sakto yung regalo niya sakin.

di ko nakuha yung pinaxerox ko nung araw na yun kasi umuwi ako agad... nalaman kong di muna kami uuwi at susunduin muna namin ang prime minister. wah, eh ang pangit ng suot ko. baka lang naman di ako papasukin ng maaayos na lugar na pupuntahan namin, yun lang ang inaalala ko. buti may dalang damit si mom. ayun.



nung namili na kami, nakabili ako ng stuffed toy na recently ay gusto kong magkaroon. yehey. ang mura lang kasi niya, $2 lang yata yung price... nakakatuwa lang... matapos nun, bumili ako ng pabango... nabili ko siya ng $56 pero dahil pasko, may libreng shower gel at lotion. hehe. wala nga lang jelly beans.. pero ok lang.. umuwi na rin kami nun.

ito talaga yung gusto kong stuffed toy, pero ang alam ko, sa Canada yan nabibili... haha.. goodluck naman sakin. yung Stuffed toy ko na penguin, pinangalanan kong Peng... ang cute... simple lang... wala lang... patulong naman... kahit kamukha lang... haha


gumising uli ako ng maaga para mag-simbang gabi. nakakagulat lang yung pari kasi sa homily, bigla siyang nagsabi ng boom tarat tarat... naalala ko tuloy yung talumpati. kasi yung pambungad niya...

Priest: Hello
Kami: Hi!
Priest: Hi!
KamiL: Hello...

wala lang...

the next day, xmas party, bumili ako ng choc cake para sa narra, nakakatuwa kasi may kapareho pa ako ng binili. nakakabusog.. haha... pero bitin.
dalawa regalo sakin ni nessa. yung isa, ako talaga, yung isa kris kringle... si taz yung bigay niya... kasi taz yung codename ko... pero dapat talaga garfield... di ko na rin nadala si garfield...haaaaay




NAmigay ng regalo, nakatanggap sa iba't-ibang tao. pinaka nagulat ako nung binigyan ako ng isang tao. himala?... siguro. binigay ko na rin yung regalo ko kay forever classmate. simple token lang.. naalala ko lang siya bigla. Kahit papano rin kasi, pinakinggan niya mga hinaing ko. salamat! bago umuwi, nakita ko si Pat na naka Arce-like look. haha. sawi... Evil... hahaha. Ang weird lang... umuwi na rin ako.

Pumunta kami ng SM pagkatapos nun at binilhan si mom ng damit. nung pumunta kami sa Bayo, may nagustuhan akong top. Yung isa, knitted na top with hood. Orange yun at suot ng manika. yung isa pa, jacket worth 895 ata. White lang pero yung hood polka dots yung loob. it looks nice. Kapag tinatanong ako ni kuya kung ano gusto ni mom, nagtuturo ako ng gusto ko. nung nasa Nike kami.

Ice: Ayan o, maganda...
Kuya: *tingin sa damit*
Ice: cute noh?
Kuya: gusto ba yan ni mom?
Ice: Hindi, AKO may gusto niyan... haha... *EEvvil.*

bago umuwi kumain kami sa fo0d court. budhi yung samin nila kuya.. umuwi na rin kami...


Kanina, simbang gabi ulit... tulod pagkauwi... dumating yung ninang ko.. wala paring nangyayaring makabuluhan ngayong araw pero mamaya daw, mage-sm uli kami.

btw, yung mug sa starbucks na may nakasulat na tagaytay, cute... haha
trivia: ang starbucks ay dating ka-level lang ng carinderia sa Pinas dahil tambayan lang siya dati ng mga driver... bwahahah... kala niyo s0syal kayo par nagsastarbucks kayo ha!? hehe...

Monday, December 17, 2007

simbang gabi

dahil di ako sasayaw sa field demo, update muna... plano ko palang pumunta ng school ng mga 1 pm. sasamahan ko parin kasi mom ko. ayoko kasing wala siyang kasama pag umaalis, mahirap na... :D

second day na ng simbang gabi... haha... sana makumpleto ko.

kahapon pala, namili si mom ng pangregalo, well ako rin. pero more than ten hours of walking around the mall and shopping, hindi ko kaya yun, hanggang ngayon, masakit parin paa ko. haaay. nakabili na ko ng regalo para kila kuya. tig-isang shirt sila at isang jacket kay mom. all courtesy of nike... haha.. fave.. may isa pa kong nakitang top ng nike... knitted siya... nacute-an ako sa nakasulat ehh...

Kay dad, baka mamaya ko na bilhin... jacket din. lamigin kasi sila ni mom... sana mabilhan ko rin sarili ko ng regalo. Yung ring na nakita ko sa isang shop. nakita ko kasi... "50% off" sabay pag pasok namin ni mom sa shop para maginquire, di nakasale yung ring na yun... well, for some reason... i dont want to elaborate.. hehe

nasira nanaman pangarap ko kahapon, triny kong magbake nung banana merengge pie. ok yung crust, perfect... except sa lasa niya.. *refer to module*.. in the end, masarap naman daw .. inulit ko yung crust.. hehe..

sana makumpleto ko yung simbang gabi... nakakatuwa lang, usually, kapag nagigising ako ng 4, inaantok pa ako. ngayon, hindi... hehe wala lang..