Showing posts with label asin. Show all posts
Showing posts with label asin. Show all posts

Tuesday, April 1, 2008

Talumpati, pagkairita

Mahirap talaga pag di ka pinagpapahalagahan, lalo na yung mga sakripisyo mo. Taken for granted.

1 week din akong walang lunch dahil sa pag-aasikaso ng requirements (and i need not elaborate. alam niyo na yun, diba DiyosaH?). Pati nung sa GSP awarding, di na ako nakakain. Ang sabog pa nung 'speech' ko sa kanila. Pinagtawana tuloy ako ng Cadets. Haha.

Alam mo bang napa-asin nanaman ako dahil sa isang bagay last week? At ni hindi mo manlang ako sinubukang suportahan? sino nga lang ba ako sa'yo? Atleast may benefit akong nakuha, luminaw ang tingin ko sa mundo, literal. haha. *Diba DiyosaH? ;D*

###

Mga tunay na kaibigan lang ang nagtatagal.

Naalala ko pala, nung 1++ week na di ako nakapagOnline, ang weird lang. Andaming nagpaparamdam ng pagmamahal sakin thru text, sulat at kung anu-anong paraan. Nagsasabi ng, "Alabshyu", "Labyo0o", "I Love You", "Alabyu".. at iba pang words ng pagmamahal. At madami pang nangngamusta. Iniisip ko tuloy, mamamatay na ba ako? Sana naman bigyan niyo ako ng warning. Di naman ako natatakot na mamatay. Creepy kasi. Yun lang.

###

ang tagal kong di nakapag-update. more than a week din akong di nakapagOnline. kung online man, ito yung pinagkakaabalahan ko. At dahil mahaba-haba ito, napagod na rin ako sa kaka-Type. Dapat kasi di ko to ipopost. E medyo nanghihingi na ng update Si Sky.

###

'to na yung Talumpati. Sana matuwa sina Idol.

Wag kayong mag-alala, hindi baduy itong ginawa ko.. at nakasisiguro akong mapapa-isip ka kung talagang dapat ba talagang malulong sa pag-ibig.


Nakita ko ang tita ko nanonood ng ng isang koreanovela isang tanghali (karamihan ng tita ay hindi talaga.. cool). Ang lalaki sa palabas ay nakaitim at umiiyak sa pagkamatay ng kanyang kasintahan. Sabi ng lalaki, "Wala na ring saysay para sa akin ang mabuhay pa! Wala na rin akong panghahawakan!" Natawa ako sa reaksyon ng tita ko. Palait na binara ng tita ko ang bidang lalaki sa pagsasabing, " Hindi pa nalilibng iyan e nantsi-chicks na yan!" Ilang minuto rin akong tawa nang tawa.

Sa nakita kong yun, napaisip ako. Bakit nga ba ganun ang mga tao? Bakit kapag umibig tayo eh napakalakas ng loob natin at nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin talaga dapat ginagawa. Halimbawa nalang ang pagsasabi ng mga lalaki ng mga walang kamatayang cliché sa tuwing nakikipagusap kayo nang taimtim sa mga kapareha. Bago ka matulog, tatawag ka sa girlfriend mo at sasabihing, "I Love You Baby! You're the first thing i'd think of when i Wake up." Pagkababa mo ng telepono, isasaksak ang DVD ni Diana Zubiri at gagawa ng himala. Haha.

It Lies, Steals and Cheats.

Sa ganitong halimbawa, masusukat natin kung tunay nga bang mabuti ang pag-ibig sa atin o hindi. Kasi nga naman, mahal na mahal mo ang babae, pero sa katotohanan ay madalas mo lang namang binobola sa inihihirit mo sa kanya. Oo, mahal mo siya, walang duda. Pero nagsabi ka na ba ng totoo nang sinabi mong siya lang ang babaeng minamahal mo? Kapag ba pumasok si Francine Prieto sa kuwarto mo mamayang gabi at nagtanong kung kasya pa siya sa kama mo eh matutulog lang kayo buong gabi? Natural na isasagot mo na lalaki ka, at instinct ng manok na kainin ang palay. Pero nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa girlfriend mo na siya lang ang babaeng pinagnanasaan mo?

Dahil mahal mo siya at ayaw mong masaktan siya, sasabihin mo talaga iyon. Nagsisinungaling ka sa kanya dahil sa mahal mo siya. Nagsisinungaling ka dahil sa Pag-ibig.

Sa mga balita sa TV, maririnig mo ang holdaper na mangangatwirang, "kaya ko lang po nagawa iyon ay dahil nagugutom na ang pamilya ko." Oo nga't pretty crime yun. Pero ano rin ba ang katwiran ng mga drug lord at mga corrupt government officials? Hindi ba't pag-ibig din? Si Joseph Estrada ay maraming babaeng iniibig. Sapat na bang suporta yun sa sinasabi ko?

Bukod sa pagsisinungaling at pagnanakaw, tinuturuan ka ng pag-ibig na maging ipokrito. Iritang-irita ka sa mga bakla, social climbers, at mga aktibista. Pero dahil may kaibigang bading ang girlfriend mo, tropa mo na rin siya. Kailangan mo kasing kaibiganin ang mga kaibigan niya para masustain yung relationship niyo. Oo nga't yung girlfriend mo yung pinakikisamahan mo, pero hindi natin maaalis na may usapang-kaibigan sila na hindi mo alam. Mahirap ng makalaban ang bestfriend ng girlfriend mo.


Dahil dito, wala kang choice kundi makisama sa mga kaibigan niyang bakla, mga kaklase niyang social climbers, o sa mayayabang at rich kids niyang pinsan. Aminin mo man o hindi, napipilitan kang gustuhin ang mga kaibigan ng minamahal mo kahit sa loob-loob mo ay gusto mo na silang patayin. Love begets hypocrisy.


yan muna yung first part... actually, tapos na yung buo pero.. ayoko pa munang ipost lahat. teaser lang.


###

Nag-asin nanaman ako kanina *Dahil sa galit, Matinding Galit*, sa may lovers lane. Kasama ko nun si DiyosaH. Madami kaming pinagusapan. Salamat ha? Di mo lang alam kung gaano nakatulong yun.

kanina, nairita nanaman ako sa isang tao. Manhid siya. Yun lang. Ni hindi niya manlang naramdaman na galit ako. Well, lagi naman daw akong mukhang galit. But i Think, cold treatment is enough to show how bad i feel.

Alam mo kung sino ka. Ay hindi pala, Narealize ko rin kanina na Manhid kang talaga. Ano pang silbi inasahan ako kung simpleng LABEL lang talaga yun? Ay, mali pala, wala lang talagang ibang option. Ang masakit pa, Hindi ko naramdaman yung suporta, atleast from you na mas inasahan ko at mas nakuha ko pa yun sa mga taong wala dapat pakialam. Nakita ko rin pala ang tunay mong ugali. Hindi ako naiinis dahil dun, e ganun kang talaga e. Sana lang, matuto kang makaramdam at lumugar hindi yung magiging "Pinakamagaling na estudyante" ka kapag gusto mo at feel mong maipakita na "may pakialam ka" samantalang wala ka kapag para ka namang kabute. FYI: nagiging katulad ka na ni Gwen and IT is a VERY bad thing. Dahil ba yan sa mga bagong nagaganap sa buhay mo? Lagi nalang ding dapat maging malaking issue ang mga bagay, or atleast thats what you're implying *even if its just an accident*. Ikaw na nga ang humihingi ng Pabor, ganyan ka pa? Mahiya ka naman! Sayang lang, kasi kapag may nagagawang mali ang anak, madalas nasisisi ang magulang. At ayokong gawin yun, dahil hindi tama dahil tanging IKAW at ikaw lamang ang dapat sisihin.

di ka magsosori? ok lang, sanay na ako. Sana lang makayanan mong pangatawanan yang desisyon mo. Tulad ng sinasabi mong "walang paumanhin".

And i am not speaking just for myself but for all of us. Lahat kami na nakakaramdam ng ganito mula sa iyo. Mula na rin sa Inyo na grupo ng "Tahimik". Kung pwede lang umalis, why not? Pero di na pala kailangan, mismong sa pagpaparamdam naman e di na required yung side namin.

Sabagay, di naman kami malaking kawalan para sa iyo. E kung iba talaga Priority mo e.

Sa mga taong di nakakakilala kung sino yung tanong tinutukoy ko, wag niyo ng subukang itanong. Di ko rin sasabihin kung sino ito. "ewan" nalang sagot ko.. para safe.

sa taong yun, MAKARAMDAM ka naman!!!

wala naman talagang Grudge, its just that.. para lang malaman mo.

###

I'll just have to accept how things are.

###

Saturday, March 8, 2008

ASIN

ang tagal kong nawala. andami kasing nangyari ngayong linggong ito.

nung monday, Mar 3, napa-Asin ako ng isang Nasaean...
blind item:

basta lalaki siya. obvious na siguro kung sino. sobra akong nairita. not just because of the fact na napa-asin niya ako. Dahil sa maihina ako. dahil kinailangan niya lang magsabi ng isang sentance para matamaan ako. ang masakit pa, of all people, siya pa. pwede namang si krisha, seahorse, sky, rain... kahit sino, huwag lang siya..

one sentence which consists of 10 words. basta nasa PA room kami nun nang sinabi niya yung bagay na iyon. hindi muna ako nag-walk out para di halata. nang umalis ako, sa kasamaang palad, sinundan ako ng isa pang nasaean (Nasaean X) na sumunod sa akin. nag-cr kami tas yun na ang simula ng tunay na pag-aasin.

di ko na ibubunyag ang iba pang detalye.

naweweirdohan lang ako sa sarili ko. kung gaano ko ka-dinedeny ang pag-aasin.. na kahit obvious na.

tinatanong ako ni Nasaean X kung anong problema at dinedeny ko pa. sinasabi ko pa na dala lang yun ng kasiyahang ginawa namin before the incident. *sinong niloko mo!?*
matapos ng pag-aasin, sinubukan kong gumawa ng kung ano-anong bagay para di na iyon mahalata.

sinabi ko pa kay Nasaean X:
- sana kung nagba-blush on ako, sasabihin ko, "ay, natapon yung blush on sa mukha ko"
- alam ko na, "nag-aapply ako bilang 'the next Rudolph', Female version!" *tawa*

isa pang nakakainis, may latak pa ako ng pag-aasin nung nagFil kami, tinatanong ako nun ni quack2 kung bakit ako nag-aasin, sabi ko, "kasi nakatakas na si Edmond, yehey!"

oo, palusot nanaman... sorry ha!

###


nag-asin nanaman ako kahapon. Mar 7

basta umaga noon, napansin naman siguro ng ibang nasaean *lalo na si dragon* na wala akong gana nung umaga. sinasabi ko nalang sa kanila, "wala kasi akong tulog..."

umaga pa ako nag-asin nun. nakakahiya pa, napansin yun ni lashes, at iba pang Narra.

as usual, punta ng cr...

matapos ang pag-aasin, naglakad-lakad kami ni egde.


sinundan ang pag-aasin na ito nung pe time. kasi naman.

dahil ito sa isang tao. Hindi ko na babanggitin kung sino siya. sigurado rin namang wala siyang pakialam sa akin. ok na rin yun. ganyan talaga buhay eh.

###

mahirap pala mag-baril.. haaay... malaking responsibilidad ang ipinataw nila sa akin.


pasensya na uli sa post na 'to... haaay

saka na yung comments ko sa recital...