Saturday, November 24, 2007

Magic...

Nakahanap na rin ako ng malaking bracelet kagabi! hahaha...

ginising ako ni mom kaninang umaga para magpasama mamili sa SnR. Himala namang sumama si kuya, kaya pala, bibili siya ng ibibigay dahil monthsary nila ngayon ng gf niya. Pero ok lang, sanay na naman akong ganun siya.
Kuya: bakit wala kang kinuha?
Ice: ... *di naman ako tulad mo ehh... haaay...*

Namili kami sa SnR at may nakita kaming mga intsik na maporma. Todo sa gadget, ayos ng damit at sosyal pa magsalita. Hindi ko nalang sila pinansin dahil baka mairita lang ako sa kaartehan nila. Mga tao nga naman.

Naweirduhan ako dun sa mga salesman kasi tinitingnan nila ako. Isa pang dahilan ay tila nangmumulto si Jacob. haha. Ilang beses kong nakita ang pangalan niya sa mga produkto sa SnR. The story of Jacob, Jacob's cookies, etc. Naalala ko tuloy yung conversation namin ng isang oeyt tungkol kay Jacob. haha

~~~~~NagMAGIC nanaman ako kanina.~~~~~

Pero hindi ko na yun kasalanan... medyo hindi...
Kasi naman... yung mamang nag-dadrive ng fork lift... *yung ginagamit pangbuhat ng stocks... kaya fork lift kasi may dalawang medyo matulis na part na mukhang fork*
Naglalakad ako ng normal na pace ko which is kinda brisk walking kasi naman ang layo nung pagkukunan ko nung Juice na hiningi ni mom... Bigla akong lumiko dun sa corner. E yung nagpapatakbo ng Fork Lift.. ang bilis din.. buti nalang naka-atras ako.. Ilang cm lang yung pagitan kundi masasagasaan *mababangga* na sana ako nung Fork. buti nalang.. Nagsorry naman yung mama sakin... Nakakahiya yun kung sakali, tas kung idadyaryo pa... haha... Babala: Wag gagayahin... *tsktsktsk*

Mamaya daw, pupunta kami sa Sm.. May bibilhin si mom... haay...

No comments: