Kanina... tumambay nanaman ako kila aling Norms...
Biglang dumating si Paula... at inasar siya nila Bryan dahil sa kumakalat na balitang may Boyfriend na daw ito *Pablo daw ang ngalan*... ito ay pinasinungalingan niya naman...
napansin ko ang isang kaklase na naglalakad sa uncovered walk. Habang pinapanood ko lang siya, bigla kong napansing sa kanya rin nakatingin si
Michael...
Nagkasundo kami na bagay nga siya sa Isang all girls exclusive school dahil sa kulos niya.
PHYSICS:
Sinabihan nanaman ako ng bangag dahil sa pagsasabi ko na may balat akong star-shaped.
Nung diniscuss na yung sagot sa Quiz *nung isang araw lang yung quiz...*
Ma'am: The specific Gravity of an object shoud be (Greater than) 1.0 to sink in water... Buti nalang Tinanong uli ni Jero Kung tama, sayang din yung 1pt namin. Nainis ako sa isang machong bwakaw sa grade. Pilit siyang gumagawa ng batas sa Physics.
TRIGO:
Nagboardwork lang...
Umalis na kami ni Sky nung lunch, nagkataong nasa covered walk naman sina Rain, Geno at Arce. Dun muna kami tumayo at nag-usap. Napagusapan ang voodoo dolls, bible, chants hanggang sa umabot sa pag-susuicide.. haha… *suicide notes!*… Sinabi ni Arce na Transparent ang balat ko… *haha… weird… * dahil yata madaling Makita ang veins ko. Sinabi pa niyang mahirap mag-suicide pag transparent ang balat, kasi daw, madaling mamamatay. *hindi ba mas ok yun? Kasi yun nga ang goal ng pagsu-suicide eh. *Dumating si Ervin, at kinilig naman si Ariane. Maya-maya’y natanaw namin si Marvic sa labas ng Physics room kaya tinawag siya ni Rain.
Inasar namin si rain. “Tingnan mo ohh… tumatakbo pa… Kasi ikaw yung tumawag sa
kanya.. haha.. Ayeee.”
May ginawa ako nung Lunch … haha… At dahil naisip kong takpan yun. Pumunta kami ni Geno sa Office nila. Habang papunta, may nagtanong akin na babae, kung saan ang meeting ng ISCF at pinagtawanan ako ni geno pagkatapos dahil mukha daw akong nanloloko…
Bago mag-PE, nagtwister kami, wow, ang competitive nila Michael, aabutin lahat kahit
super akward na nung posisyon… at medyo pwedeng maka-offend… haha…
Late dumating si Sir Robert… Nag-catching exercise muna kami habang isa-isang
pinapa-bat ang iba samin. Kapareha ko si Eloi. Kasi naman, yung dapat kong kapareha,
TiNaKwiL ako…. Hindi ako nagdadrama… yun yung tamang term… Inaya niya akong
kapair tapos biglang iba na yung kapair niya… wow…
Naririnig na namin ni Eloi na tinatawag ang mga katabi naming mag-pares kaya
siguradong kami na ang sunod… Sinabi ko sa kanyang ayokong magbat.
nag-strategize nanaman ako. Tumabi kami sa mga nag-cacatching exercise para
magmukhang tapos na rin kami sa pag-ba-bat. Dahil kilala ako ni Sir, ako pa yung
tinawag. *wow.. di nanaman effective*
Insar akong singkit. Kaya ko daw natatamaan. At nung di ko natamaan, sinasadya ko daw yun..
So six out of eight yun... yung iba nga, ilang tira lang ehh.. tapos ako, walo?.. mahal talaga nila ako…
FilmAPp:
Nanood kami ng film… ang weird.. kinakausap ako ni sir Anton… ok lang, atleast
naiintindihan ko lalo yung film… haha… buti nalang…
Uwian na..
Nakita ko sila denne...
Denne:(@Ice) Italia!
Mikee: (@Ice) Uy.. mag-i-italia kami sa UPIS week...
Denne: Ano ka ba? Dapat di mo pa sinabi
Mikee: Ehh.. basta yun... Abangan mo ha...
Ice: Sinu-sino kayo?
Mikee: Basta kami, ako, denne, joanne, aya...
Ice: Panong italia?
Denne: Abangan mo nalang... Basta malalaman mo yun...
Ice: Sandali... Sino bang nagpasimula ng Italia na yan?
Denne: Ikaw..
Ice: Pano naging ako?
Denne: Dahil sa Jacket mong Italia...
Ice: *Ganun!?* O sige... paano nalang nagsimula...
Denne: Sa'yo... diba yung jacket mo na Italia... Tapos sinuot ni Miggy... Sabi namin , di mo yun pinapasuot kung kani-kanino lang... Sabi niya wag nalang siya isumbong sayo.. tapos sumayaw siya ng ala-Rain na sayaw... Eh dumating ka bigla...
Mikee: Sabi nga namin 'sinuot ni Miggy yung Jacket mo...'
Denne: tapos sabi niya, 'wala kayang nag-susuot ng jacket mo...'
Mikee: Di na nga lang na-videohan yun ehh... haha
Ice: ahh.. ok... *wow... nagsimula ang lahat sa jacket ko... what a historical event*
nakita namin yung taong nagkwento ng love story niya… *sakin…* ang weird kasi di
tulad ng dati, pinansin niya ako bigla…
Umuwi na rin ako maya-maya…
Pag-uwi ko sa bahay...
Ice: ay patingin... naka-kasa na 'to?*pellet gun*
Kuya: ...
Ice: Pano to ikakasa?
Kuya: Tingnan mo kaya...
Ice: Pano nga... Ngee... sira to ehh..
Kuya: oo nga... walang Barrel oh.. titingin ka na nga lang... mali pa... Singkit kasi ehh..
Ice: salamat ha....
No comments:
Post a Comment