habang kinakalikot ang mga laman ng computer... nakita ko 'to: *alam kong ako ag nag-save nito.. di ko matandaan ang ibang detalye...*
"Maglalakad lang ba ulit tayo?" Tanong
ko sa 'yo nung pauwi na tayo galing
class.
"Oo naman," Naglalakad ka na bago ka
magbigay ng sagot, kasunod ang walang
kamatayan mong linya, "Walking is good
for the heart."
Nagreklamo ako, "Nakakatamad!" Pero
sumunod din naman ako sa paglakad mo.
"Alam mo, mas masaya maglakad."
"Sabi mo e."
"Hindi nga!" Ang tawa mo, "Una--"
Unahan na kita, "Walking is good for
the heart?"
"O, yon."
"Ano pa?"
"Marami kang nakikita."
"At walang nakikita sa jeep?"
"Meron. Pero mabilis! Maraming bagay
na hindi mo mapapansin."
"Halimbawa?"
"Halimbawa..." Tumingin ka sa paligid,
sabay pulot ng isang tuyong
dahon, "Dahon."
Inabot mo sakin ang dahon, tinanggap
ko at tinapat ko sa mga mata
mo, "Dahon?"
"Dahon," Tumango ka na parang napaka-
obvious ng point mo, "Ang ganda diba?"
Tiningnan ko ang dahon, "Hinde."
"Ang KJ nito. Maganda siya, in its own
way."
"ANG GANDAAAAAAAAAAAAH!!!"
"Exag."
"Ang ganda!"
"Ayaaaaaaaaan..."
"O, dahon. Maganda. Tapos?"
"Walang dahon sa jeep."
"Meron!"
"Pupulot ka ba ng dahon sa jeep?"
"Hinde. Eh Ikaw lang naman ang kilala
kong namumulot ng dahon e."
"Kaya nga."
"Ang labo mo."
"Malalaman mo bang namumulot ako ng
dahon kung hindi tayo naglakad?"
"Hinde."
"Malalaman ko bang tumatanggap ka ng
mga pinulot na dahon kung hindi tayo
naglakad?"
"Hindi rin."
"Malalaman mo bang tumatanggap ka ng
mga pinulot na dahon kung hindi tayo
naglakad?"
"Lalong hinde."
"Kita mo na? Kaya mas masaya maglakad."
"Para makapamulot ng dahon?"
"Oo," Tumawa ka ng bahagya sabay ngiti
sa'kin.
Bahay ko na, "Dito na 'ko."
"Next meeting ulit?"
"Mamumulot tayo ng dahon?"
"Hanggang sa makagawa tayo ng foliage."
Pinanood kita maglakad palayo saka
tiningnan ang dahon na hawak ko pa rin
hanggang doon.
Walking is good for the heart.
No comments:
Post a Comment