###
nung nag mad science show, ayun, katabi ko si oreo. nang pinapanood ko yung show, hindi ako matawa kahit ano pa yung punchline nung host. ayoko ring tumawa nang pilit.just the same thing as ayaw kong maglagay ng "haha" o "hehe" sa pakikipagchat kapag alam kong ka-plastikan lang ang lahat.
sinubukan kong sabihin sa isang tao yung sinasaloob ko pero hindi niya ako narinig kaya't pinapaulit niya. sa totoo lang, yung mismong pagshe-share ko ng bagay na yun at pagsabi nun sa ibang tao ay masakit na. paano pa yung pag-ulit nun?
ayun, hanggang sa tinungo ko nalang ang ulo ko at muntik na akong mag-asin. medyo nag-asin na pala ako nun. pero pinigilan ko ang lahat. ayoko kasing maging mahina. oo, sinabi mo sa akin noon na "ang pag-aasin ay hindi sign ng pagiging mahina, mas malakas pa ang tao kapag nag-asin siya" ngunit para sakin, mahina ako kung nag-asin ako. mahina naman talaga ako eh, ayoko lang ipahalata sa lahat dahil maraming umaasa sa akin. pero ang tunay na dahilan ay ayaw kong maging mahina para sa sarili ko. dahil ako nalang din ang tanging nakikinig sa sarili ko.
###
ano nga bang nangyari at nagkaproblema? simple.
noong mga panahong nasa bangin na ako, wala ng pag-asa, walang pinagkakatiwalaan at walang sinumang masasandalan, bigla kang nagpresenta. kung kailan ayoko ng umasa sa iba at gusto ng tumayo at maging malakas para manlang sa sarili ko.
oo, nakuha mo ang tiwala ko sa short span of time na iyon. ang masakit kasi, sa mga panahong kinailangan ko ang katuparan o pagpapatunay sa pangakong iyon,
oo alam kong may buhay ka, may buhay kayo... at hindi titigil ang mundo para lang sa akin. pero, hindi mo, hindi niyo kasi alam kung gaano kasakit. kung gaano kasaklap ang lahat. sa ngayo'y napakabigat ng pakiramdam ko dahil sa mga bagay na kinakailangan kong dalhin. akuin. tanggapin.
###
masarap ang pakiramdam ko nung isang beses nakipagusap sa akin sa Ym... oo, mababaw ako.. pero totoo ang lahat ng sinabi niya at sobra akong nakakarelate doon kaya't yung MINSANg panahon na iyon na may nakakaintindi sa akin, napakaimportante na nun...
Bakit nga ba di ako mag-asin, ilabas ang nararamdaman ko. alam ko kasing hindi sapat ang isang session ng pagaasin para mawala ang lahat. at hindi mawawala ang problema sa pag-aasin lang.marami ring nagkukwento sa akin kaya't nawawalan na ako ng oras mag-isip... pero di ko sila sinisisi.
isa pa, ayokong isipin ng tao na gumagawa ako ng eksena at kumukuha ng atensyon... mananahimik nalang din ako kung ganun lang... higit sa lahat... ayokong maging mahina.
###
alam ko namang walang makakaintindi...
people take me for grandted... oo, nandito ako para sa inyo.. pero mawawala rin ako, hindi ko alam kung kailan. baka bukas, sa isang buwan, sa isang taon...
No comments:
Post a Comment