Tuesday, February 26, 2008

abandoned

Hanggang kailan nga ba ako magsesenti? siguro, hanggang sa kaya ko ng kimkimin ang lahat, kayang itago, pasensya na, kailangan ko lang maglabas ng kaunti dahil baka di ko na kayanin ang lahat.

###

what's more painful than being abandoned is knowing you're not worth an explanation...

naalala ko nung film app, kailangan naming gumawa ng film.. ang naging aim namin: para maipakita sa mga tao na mas marami pang may malalang problema kaysa sa kanila...

kahit anong gawin ko.. sa lahat ng cases ng mga problema na gagamitin sa film.. hindi ko parin narereache ang aim namin.. wala parin ang realization na iyon...

###

Some people will work things outAnd some just don’t know how to change

masakit parin ang mga bagay-bagay.
ang pinakamasakit ay ang pag-aabandona sa akin ng isang taong iyon...
isang taong tanging kinapitan ko, pinanghawakan ang mga salita para lang maabandona.
ayoko talagang umuuwi, isang lugar kung saan kaya kong gawin ang kahit na ano. ako mismo ay natatakot na sa sarili ko, tulad ng sinabi ko kay Bape *salamat sa pakikinig*

oo, medyo matagal na iyon, ilang buwan na kung tutuusin pero sa tuwing umuuwi ako, nararamdaman ang realidad.. naaalala ko na minsa'y may pag-asang isasahan... para akong nasa tunnel... tahimik, madilim, at mag-isa nang biglang may liwanag akong nakita... natakot ako sa pagpunta roon dahil sa alam kong maaari lang din akong mareject pero ano?, pinuntahan ko iyon.. sa mga panahong kinailangan ko'y nawala rin. alam ko naman eh, dapat di na ako umasa.

masakit... lahat naman ng tao ginagawa yun sakin eh... pangako, aasa, lalapit, iiwan. isang cycle lang lagi.

###

pinapalaki ko ba ang mga simpleng bagay?

simple lang ang paliwanag ko.
simula pa noon ay inisip ko ng mag-isa ako sa mundo ko. walang maaasahan, masasandalan. ang minsan na pagtitiwala, pagkakaroon ng mapagkukwentuhan *ng problema man, nakakahiyang pangyayari o kinaaasaran*, napakalaking bagay na noon para sa akin. its more important than anything else. ang malamang nag-eexist pa pala ako sa mundo, na may nagaalala pa pala, na kahit papano'y may dahilan pa ako para magpatuloy.

nasa 'yo nalang kung anong iisipin mo...

###

i appreciated it when you tried to gain my trust and successfully did it,and time you wasted to simply listen.

i just hope i saw it coming, para di na ko umasa. its a lose-lose situation. ako ang bigo, ako ang sawi, ako ang talo.

sana nga.. sana may makatalo sakin... sana, maabot ko na ang aim namin.

###

salamat na rin kahit nasaktan mo ako, atleast, alam kong di pa ako mature, na di pa ako ganun kalakas dahil nasasaktan pa ako, nag-aasin at nahihirapan.

No comments: