ano nga ba? maaga akong dumating sa scho0l, 7:15 uli. haha. nakita ko bigla si Kame.
Kame: uyyyy.....
Ako: Kameeee!
Kame: *gumagawa ng movements sa kamay na parang 'traveling pero counter-clockwise'*
Ako: ano?
Kame: Mag-raise tayo!
Ako: Ha?!? *oh no...* Pwede bang... pass muna ako. kahit sa susunod nalang?
Kame: *umiiling* hindi eh...
*kasi, yun yung kinatatakutan kong mangyari, ang magraise ako. haaay....*
maya-maya, pinagtataguan ko siya... unfortunately, nakita niya ako. at lima lang kaming cadets ang nakauniform. sakto. *i am so luckeeeeeeeeyyy*
ayun, isang tanungan lang kay mandz and we had to raise the flag. ako pa yung naging color guard. haaay.... nung naka-"chtung" *hahaha* ako, nakita ko pa yung mga bata at ilang 08 na tinuturo ako. pero di parin ako natawa.
basically, naging ok naman ang lahat.
pinuri ako nila jero, pero feeling ko, naawa lang sila. hahaha...
###
Never forget your grudges, they make you stronger.
nakakaantok nung english, nahihilo pa ko. hinawahan ata ako ni rain.
physics, kinakausap ako ng taong kinagagalitan ko. no matter how hard i try to avoid having a conversation with that person, ang hirap. di naman kasi ako ganun kabastos para mangsnob nalang... unlesss.... hahahahaha kinidnap ko pala si sylvester, at dahil dun, inatake ako ng allergic rhinitis.
mas malaki kinita namin sa PA compared sa past two days namin. buti naman. Pero nangangamba kami sa kikitain namin kapag dry goods na. bumili samin yung magandang teacher. nakakatawa lang kasi nung matapos ibigay ni CJ yung taco, *thank you ma'am*. wow, may ganun. samantalang pag iba, walang thank you. ni ha, ni ho, wala.
filipino, bumaba ako ng 5 points sa card. masesermunan ako nito, sigurado yun. atleast five lang, unlike yung ibang mga nalaman ko na more than 15 yung binaba... buti na yung 5 lang.. although malaki parin yun.
vm - umalis si sir. nung nagmeet na yung groups, dun ako nagsimulang mainis. napakainconsiderate nila. tama bang formal?... wow, "tinalo pa ang prom." - rain. pagkatapos nun, nagpiano si kevin. at tiningnan ako ni B. so lumayo ako sa piano. maya-maya, tinuro ko kay kevin yung tamang notes at kung ano ang mali niya. well, wala na kasi nun si B. at naisip ko ring mabait naman si Kevin kaya bakit di ko siya tulungan? atleast, bago ako mamatay, may nagawa akong makabuluhan.
maya-maya.. sinabihan ako ni B na magpiano, sabi ko ayoko. *kasi ayoko ng humawak ng piano.. for some very personal and deep reason* sabay sabi ni B "uy, antayin ko mamaya tugtog mo ha...". isa pang nakakainis, yung kinakanta kanina na song, gusto ko tuloy umiyak. malalim din kasi ang nangyari eh. hindi ako madaling umiyak. wala ring makarelate sakin kasi walang nakikinig. isa pa, yung binaggit na gustong ipatugtog ni b. haaayy buhay.
matapos naming magrehearse, pumasok siya sa room at sinama ako. dapat di ako tutugtog dahil may Ibang tao sa kwarto. lalo na't isang napakagaling na musikero yung isa kaya nakakahiya yun para sakin. isa pang masamang bagay dahil maraming keys yung sira. dahil gusto talaga akong marinig ni B, in-on pa yung electronic. wow. dahil no choice na ko, ayun at tumugtog na rin. tama bang salain ang lahat ng alam ko?
haaay. pero masaya naman ako't natugtugan ko ang mga kaibigan ko. kahit may ibang tao, na hindi naging masaya para sa akin. sinubukan kong turuan si sky pero kinailangan na rin naming umuwi. habang tumutugtog, naririnig ko ang paggigitara nang bigla itong tumigil. kinabahan ako nun kasi akala ko'y hinuhusgahan na ang pagtugtog ko. nang bigla siyang kumanta. wow, medyo nakakatuwa, kasi kahit pano, feeling ko may natutunan na ko sa pagtugtog. yung feeling na nakakuha ako ng puri mula sa isang marunong sa musika. pero hindi rin, sige, for the first time, i will SPeculate. hahaha.
umuwi na rin ako matapos nun.
totoo parin ang paniniwala ko, iyon ang therapy ko.
###
pagkauwi ko, may txt msg...
1. "hey, what's your number at home?"
2. "i missed your call, where can i call you?"
grabe, di ko siya tinawagan, alangan namang gawa yun ni kuya? imposible. ano ba yun? hanggang ngayon di pa ko nagrereply. nagulo lang lalo utak ko eh.
###
nakakalungkot lang ulit, sinubukan ko muling magkwento sa mga tao. its either busy sila, di nila ako priority or things just don't fall into place. masakit lang kasi. napakasakit. oo, kaya ganun nalang ang lungkot ko sa mga panahong may nagpapangako na napapako rin. masakit talaga eh.
minsan din akong nakapagkwento sa isang narra-ean. kahit sa ym ko lang siya nakausap, nakakatuwa parin. biruin mong nagmalasakit siya sakin at nagtanong na "ok ka lang ba?". alam kong di mo 'to mababasa pero salamat ng marami. di ka pala tulad ng iniisip ng lahat. kahit di kita maituturing na kaibigan, salamat parin.
oo sige, madrama nanaman, pero ano bang magagawa ko?...
No comments:
Post a Comment