Tuesday, November 11, 2008

update kung update! ayan idol ha?

hay... fyi pala, di na ko masyadong makakapag-update. as you know, pasukan nanaman. puro basa nanaman. siguro next update pag weekend or after prelims.

game...

okay naman mga prof namin. mga kaklase ko lang talaga. mga nagagwapuhan kasi sa mga prof. tsktsk. yung isang chinese na prof namin, crush nila. maputing matangkad na payat pero ma-muscle na kalbo. meron pang isang prof na crush nila, dahil nakakatawa, morenong payat na matangkad din, graduate ng school nung '07... which makes him 22 years old?... ok na yung may crush sila e, pero to the point na tinatawanan nila yung corny na joke nung chinese na prof kahit korni *NOTE: tawang ahahahahaha with batting eyelashes effect*. ugh.

yung prof na moreno...
prof: o yung RA bla bla... naging RA bla bla....
ice: *mouting = RA (numbers nung republic act) at magkaiba kami ng sinabi*
prof: kinorrect ako, RA (blabla)...
ice: *'huh???' look*
classmate: sir, RA (blabla ~ yung sinabi ko) nga po.
prof: sorry naman, tao lang.

naiinis ako sa prof na yun, okay sense of humor niya. pero di niya ako tinatawag pag recitation. hay. ewan.

###

may isa pang prof, di nila crush kasi may asawa na rin pero ma-joke din. e nakaupo ako sa harap kaya madalas napapatingin sakin. at soory to say, ako lang di tumatawa sa jokes niya,... kaya siguro di na siya tumitinging sakin pag nagjo-joke. pag nagdidiscuss lang.

tinanong niya ko kanina nung discussion...

kung di kayo nag-aaral ngayon at bakasyon.. anong ginagawa niyo? *tingin sakin*
tumingin ako sa katabi ko, akala ko di ako yung kausap niya pero nakatingin parin sakin...

ice: nagbabasa po.
prof: *nakatingin parin*... ng?
ice: libro leisurely reading po...
prof: ng?... *silence~ yung feeling na nakatingin sakin lahat at sinasabing ang weird ko...*
ice: literary books po.
prof: anong title?
ice: series of unfortunate events po *unang pumasok sa isip ko.*
prof: unfortunate events... so unfortunate *tawa ang klase*
ice:...
prof: bigay ka ng title.
ice: the penultimate peril po *una ulit pumasok*
prof: ...hmmm... maybe i should read that. i might relate to it.



weird lang.

~buti di niya alam na UPIS ako, kundi patay na. kasi binabanggit niya lagi UP at UST. at may kaklase akong galing hs ng UST. hayyy...

nung dulo ng class...
dahil siesta time ng class time natin, kailangan ng pampagising... next week, magdala ng gitara at may magpepresent sa harap. kahit acappella o hindi, may +5 sa quiz. *siniko ako nung classmate ko sabay sabing, "uy, kanta ka."* lalo na yung mga gahaman sa grade. *ako ba yun?*

iniisip ko kung kakanta ako o hindi. kasi nakakahiya. any suggestions ng song? yung di mataas na maganda. hehe.

~next year, mag-o-audition ako sa chorale. try lang kung papasa ako kasi never pa ko nag-audition. try lang. yung audition kasi this sem. di ko naabutan kasi may klase kami ng audition time.

###

sige, aral na ko. marami pang test bukas. at sa mga susunod na araw. paalam. X)

No comments: