Feb 14
may sakit ako nun... ok naman lahat.. halos.
nakipagduet pala ako kay jero, at natuwa naman siya sa kinalabasan. sinabayan din ako ng crush ni Krisha... hahaha
sinabihan ako ni squirtle na mukha daw akong friendly dahil sa gupit ko. ah ewan. napansin ko ring pinagtitripan nila buhok ko.. haaayyy...
binibiro pa ko ni idol sa mga maaaring mangyari..
binigyan ako ni mutsin ng stuffed toy... elmo. ang cute. wala lang. hindi ko fave si elmo pero, pula siya eh. masarap lang makatanggap ng mga bagay. dagdag sa koleksyon ko ng stuffed toys...
inaral ang bagong kanta sa Vm...
###
Feb 13
pumunta ng school at naghintay sa wala.
###
Feb 12
bago magcampfire presentation at kung anu-ano, ako yung nagvolunteer sa search and rescue team kaya ako yung niligtas nila. Napunta sakin sina seahorse at Bape. ok naman. Nasabihan pa akong best actress dahil hanggang dulo, hindi ako tumawa at nagkunwari lang akong unconscious. inalam pa nung maangas na nagcocommand sa mga corps kung anong pangalan ko. natuwa ata sakin, *dahil sa pag-arte ko?.. tsssss...*
###
Feb 11
gumising ng 4:45 para pumunta sa school.
ok naman ang lahat. Nagl aro kami nung pupunta sa jungle, ako yung pangatlong nakagets nun. haha.
ito pala, another first... dapat, walang stopover ang bus, pero dahil makapangyarihan ako... *bigla akong nagka-bisita*.. ayun. dapat ako lang bababa... eh iba gusto ni ma'am duka...
nagulat ako nung nasa bus kami, kilala pala ako ng isang taong... di dapat ako kilala... creepy lang... di ko nga alam pangalan niya eh... haaay...
maraming naaliw sa suot kong t-shirt, at naging interesado pa si Bape tungkol dun at tinanong kung san ko nabili... *sa tabi-taBI lang...*
noong ginanap ang OST, yehey!
may isang nakakainis, may isang taong kumausap sa akin. hindi ko alam kung manhid siya, o wala lang talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Ang masama pa, kinausap niya ako DAHIL MAY KAILANGAN SIYA at kaming 2 lang ang nandun sa lugar na yun... wow, napaka-no-choice situation... hindi ko naman siya sni-nob,.. dahil hindi ako ganun. pero nagsisisisi ako. sana di nalang niya ako kinausap. sana... sana.... sana....
###
nakakatuwa, sa trust fall ako napunta. Maya-maya, pinagtripan ko yung scouts, sumunod sila. tapos yung kadete naman nina krisha. Sinunod nila ako, nakakatuwa. haha *ang babaw ko...*
ito pala, pinagtripan ko si poodle *nabalitaan ko kasing maganda ang boses niya. at dahil may kapangyarihan ako nung panahon na yun *na minsan lang darating*, bakit hindi ko iyon gamitin? :D*.
inisolate ko siya sa grupo niya. nakakatuwa namang inakala niyang isa akong officer.
ako: Poodle, anong favorite song mo?
Poodle: sir, di ko pa po yun napagdedesisyunan sir.
bla..bla..bla...
it ended up na pinakanta ko siya ng 4 na kanta. hehe. sorry. *eh kasi naman, sinabihan kitang ayusin ang pagkanta...*
feeling ko naman, alam niyang pinagtripan ko lang siya.. sana lang di niya alam na ako talaga yun... :D *pero salamat sayo, sumaya ako sa panahong iyon.*
###
Feb 10
Hinatulan na ako. Naging ok naman ang lahat. Nakakatuwa pa dahil sinabihan niya ako ng "i'm actually amused..." at medyo nakipagdebate pa siya sa akin.
Noong araw na iyon ako nagpagupit. Sa kasamaang palad. ang sinabi ko, "two inches below the shoulder---trim lang po"... ang ginawa, 2 inches below the earlobe.
No comments:
Post a Comment