Sunday, December 9, 2007

weirdo

hindi ako nakapagupdate dahil sa iba't-ibang pangyayari sa mundo ko...

nung friday, sinira nanaMan ng mga tao *ng isang kaliwete* ang pangarap ko. hindi ako nakapaglaro sa P.E. wala na kasing glove para sa akin dahil kinuha na iyon ng isang Lalaking kaliwete sa narra. Nagpaka-gentle man naman siya kasi sabi niya, kami nalang ang magpartner sa catching-and-throwing activity at ako ang magsuot ng glove at magkakamay nalang siya. Sa kasamaang palad, gentleman *gentlewoman?... ack...* din ako kaya sabi ko, wag na, rest nalang ako. sa totoo lang alam kong di ako makakapaglaro ng matino dahil sa kaba ko sa reporting sa film app. Sinamahan ako ni sir sa P.E. room pero wala talagang glove para sa akin. umupo nalang ako at tumabi kay seahorse at nakinig kami sa mp3 player ni aya. Maya-maya, pumunta na ako sa field para naman kahit paano ay may nagawa ako sa P.E. Pumwesto ako sa malayo para di ako sasalo ng bola at kinausap ang isang kaklase. maya-maya, nakita kong umabot sa amin ang bola, at di manlang niya sinalo... ayun, kinailangan kong tumakbo at habulin iyon.

Film app, ok naman ang reporting at mukhang naintindihan nila ang lahat.

umuwi kami sa bahay at nagbihis para manuod ng play sa diliman.

wow, i never thought all i needed was a go0d laugh. Kahit di sikat yung mga actor *college students*, ang galing nila! sobrang galing magpatawa. Ang galing din umarte nung mga bakla *pero later on, nalaman kong straight sila*.. sana lang ganun ang pag-arte ni jero.

kahapon, nalate ako ng punta sa sch0ol, nagtrabaho na sa reg table. pinatayo ba naman kami ng ilang oras at kinailangan tanggapin ang alumni nang nakangiti at maging pasensyoso. bumili ako ng oatmeal cookies na inuwi ko sa pamilya ko at naweirduhan nanaman ako pero ngayon, dun sa lalaking nagbebenta ng co0kies...
may napagtripan nanaman ako nun, yung mga torch. pinapatay ko... hinihipan... lakas trip lang.. at matagumpay naman ako dun. kinarma naman ako eh. whopping cough lang naman...


kanina, nagsimba ako sa ibang simbahan kaya di ko nakita ang weirdong tao, sayang. nagpunta sa snr, sm.
may mga paltos ako sa paa dahil sa sapatos ko. alam kong may paltos na paa ko, pero tinakbo ko parin ang hypermart para bumili ng gatorade at apple juice ni mom. dahil walang gamot dun, kinailangan kong takbuhin ang watsons at balik sa kanila. ang nakakainis lang, hindi manlang ininom yung gamot, yun nga yung crucial eh...

ang weird... lahat sa pamilya, masama ang pakiramdam at nasusuka, ako lang hindi... isumpa ang pinanono... buti di ako kumain nun... naalala ko pa...
Kuya: ma, masarap ba to?
Mom: oo, pianono yan ehh... at galing sa malabon..

ayun... masarap pala ha! hehehe.... isumpa ang pianono... yun muna.. gagawa pa ko ng grid...

No comments: