walang espesyal na pangyayari ang ginanap nung mga nakaraang araw,at di rin ako makapag-OL dahil sa kumplikadong sitwasyong hindi ko rin kayang ihayag dito. Mayroon na akong permanenteng cellphone number. At ipinaalam ko yun sa mga tao. Rain, ayan, puro 3 na ang number, siguro naman, hindi ka na magkakamali.
Kahapon pala, nagusap na kami ni A, mukhang naaayos na ang lahat sa amin. sa wakas.
Darating na ang Prime Minister bukas. Kahit hindi niya pa sinabi sa amin na uuwi na siya, alam namin iyon. Baka bukas ay tatawag siya para surpresahin kami na susunduin namin siya.
Kanina, Ginising ako ni kuya, mga 8:30pm na yun para pabilhin ng housing niya...
nagpunta ako sa Circle C para bumili nun. Umakyat ako sa escalator, sa taas, may babaeng naglagay ng stress ball kaya rumorolyo lang ito. Parang naaaliw siya dito kaya na-weirdan ako at di ko napansing nabigyan ko siya ng tingin na 'anong-ginagawa-mo-sa-buhay-mo?'... Nakita niya akong nakatingin kaya tumingin ako sa mga tindahan nang bigla niyang sinabi.."Hi Ate, Ang ganda mo naman..."
ha? Saan galing yun, at dahil dun, lalo akong naweirdan sa kanya. Matapos bumili ng blue housing "with matte finish" *ayon kay kuya... at pinagalitan pa ako dahil dapat daw ay glossy finish... wow, ganda nyan.*
Lumipat kami sa Cherry para bumili ng Juice, pasta, etc na ibibigay ni mom. Habang tumitingin, napabili na rin ako ng regalo ko para kay mom. Sakto, foot spa blabla set. Tulad ng inaasahan, halos naubos ang laman ng wallet ko. [fyi, maswerte sa akin ang wallet na yun na native at gawa sa leather ng baka *ata* dahil yun lang ang wallet ko na hindi nawalan ng pera.]
LAlo kong nakikilala kung sino talaga ang kaibigan ko, ang mga taong nandyan lagi... haaay...
No comments:
Post a Comment