Monday, November 26, 2007

weird day...

Kanina, nagVM kami, may bagong inintroduce na kanta. Dapat ay tatabi ako kila rain pero wala ng space doon sa may wooden stage. Dun umupo si Sky at naiwan ako sa gilid. Kinanta pala namin yung una naming piece - a place called home. Mas master ko na ngayon yung piece kesa last week. Ok naman. Nung inintroduce na yung second piece, nalaman naming kinanta yun ng silver, at nagcheer naman ang mga silver. Sabi namin, goldd! whooo... *pero mahina lang, malamang matatabunan kami kung nilakasan namin. *

Ice: weh gold parin.
isang Gold: oo nga
Ice: atleast tayo, walang pinagkakaisahan sa section, di tulad ng silver at calcium... *pabulong*
May part sa song na sagutan ang boys at girls.. at may part din na may second voice. *nakakainis dahil boys' part yun...* Yung sa may second voice part, sumasabay ako sa boys... ang sarap kasi magsecond voice... haha atsaka alam ko na yung girls part...

Nung pinakanata lahat ng girls... Syempre, dalawang lalaki ang katabi ko. matapos kumanta...

Boy1: wow,... *Pinuri ako*
Ice: huh?... *san galing yun?* Baka humaba ilong mo niyan...
Boy2: oo nga, nakakatuwa...
Ice: wow... ang galing mambola ahhh...

ewan ko... di kasi ako nagagandahan sa boses ko at personally, naweweirduhan ako dahil walang pumupuri sakin within the family, relatives etc. kahit anong puri, wala... maging boses, pagtugtog o kahit ano. kini-criticize nila ako.. tapos biglang yung ibang tao, pupuri sakin?... ano ba? Kahit ilan ang mamuri sakin, parang di ako maniniwala. Ang weird kasi talaga.

Pagkatapos ng vm... kinanta ko yung boys part *second voice*

fly trap: ahh.. sa boys yung inaral mo? *with the tone- saying ohh.. i expect it*
Ice: hindi... alam ko yung sa Girls, mas gusto ko lang yung 2nd voice..

gusto ko lang sabihin na tingnan mo muna yung sarili mo. yun lang. Not because you can change your color to adapt to your environment does it mean you've changed your whole personality... hindi porket nakahawak ka lang ng kaunting ginto, mayaman ka na. tulad lang ng uwak na hindi puputi... Sabagay, sino bang humawak sa palayok ang hindi nalagyan ng uling... *sino bang nagkaroon ng kaunti/ tumaas ng unti ang hindi nagyabang / nagbago ang ugali*... Hintayin mo ang dulo... ang panahon na kakailanganin mo ang 'friends' na yan... tingnan natin... Hindi ako galit... i just want you to realize and understand everything before its too late... *well,.. its already late... but just for the sake that you understood...*

No comments: