nakakalungkot tong araw na 'to... di ko alam kung bakit... nararamdaman kong unti unti akong nawawala sa mundong to. atleast napapatunayan kong kaya naman ng mundo ng wala ako...
Kinailangan ko kanina ng kausap, mapagbubuntunan ng problema, pero... wala. wala ang mga taong minsan nagpresenta na suportahan, kausapin at tulungan ako sa mga oras na kailangan ko ng kausap at kasama... wala sila... wala kayo.
ilang beses ko ring sinubukan na magkwento sa mga tao pero tila mas marami pa silang maikukwento sa akin. Ang masakit lang dun, hindi problema ang mga yun... sweet nothings... o kung hindi man, masyado silang abala sa mga aktibidad nila o sa pagtetext o pageenjoy sa buhay nila. Sabagay, sino ba naman ako para sa kanila, isang taong walang kwenta, lagi lang nandyan... oo nga naman, walang espesyal sa buhay ko. Walang magandang pangyayari... mga problema, kalungkutan at pighati lang. Sabagay, lahat naman ng tao may prioridad... kung sino ang bibigyang halaga, laging may mapagpipilian...
hanggang ngayon, pilit kong tinatanggap na wala akong karapatan magkaproblema, magkwento, mangailangan ng kausap... Ang TANGING role ko lang sa mundo ay makinig... sa mga problema, istorya at kung kailan ako kailanganin...
Hiling ko lang...
WAG kayong MAGPREPRESENTA sa akin na laging nandyan o laging makikinig kung hindi naman yun totoo... Wag niyo na akong paasahin pa. unti-unti ko na ngang natatanggap ang katotohanan... pero ano?... i'm holding on... holding on to your promise... masakit lang kasi... yun lang...
No comments:
Post a Comment