Tuesday, November 20, 2007

isang makahayop na araw...

nung umaga, kasama ko sila denne na tumambay kay aling norms, maaga pa kasi at nakakatamad pa pumunta sa room. inasar ni denne ang isa niyang kaibigan sa PnD dahil sa pangalan ng sketch pad niya na pag may dinagdag ay kapareho na ng apelyido ng isang batchmate namin.. nung dumating ang isa pang tao, same thing... inasar niya ulit at dapat ay susulatan ang sketch pad para lalong maasar. nakilala ko noon si kokey... haha.. ang stuffed toy ni denne na may hood*kaya naging kokey*. ginaya nila si kokey at iba pang character sa show na yun... umabot sa point na gumagaya na sila ng mga hayop

kasama ko kanina si rain.. at naglakad-lakad kami... sinubukan naming hanapin si sparky pro mukhang pinagtataguan niya si rain... pag alam na namin kung nasaan siya bigla siyang aalis.. haaay...

binigyan ko ang ilan sa mga nasaean ng tootsie roll... kaunti lang kasi ang dala ko kaya kaunti lang din ang nabigyan. nasaean + chalky papala.. haha... kasi binigyan ko si rain.. at binigay niya yun kay chalky kaya indirectly ko na ring binigyan si chalky. depressed daw kasi siya. binigyan ko ulit si rain ng tootsie roll. at kinilig siya. haha

kanina... tumambay kami ni sky at kevin sa PA pav... at napag-usapan ang di dapat mapag-usapan... marami akong nalaman... information overload... ganun pala si sir... tsktsktsk... pati yung mga tao sa isang work program.. may tinatago rin...

nagpapaturo sakin si nessa na kumanta...
ang tanong niya:
1) pano malalaman kung tumataas ang boses o hindi?
kapag... nahihirapan ka na?... kapag mas matinis?... kapag mas... *wow... what a question...*

pinakanta ko siya at vinocalize... pinagaya ko sa kanya yung mga ginagawa kong looooooo.... nung ginawa niya yung woof... dahil sinabi ni ariane.... para siyang... wag na nga... mamaya karmahin nanaman ako... pero obvious na kung parang ano siya... hahaha.. sa dulo... medyo nagkaroon ng progress dahil marunong na siya magtaas boses niya...

maya-maya, dumating si joel, at tumambay kasama namin, nagjoke nang nagjoke. nakakainis.. sobrang corny kasi.. pero tumawa parin kami... nagkaroon ng bagong isyu.. si apple at joel... sabi kasi namin, nagseselos si joel.. *nung binaggit namin si jonathan- na nalink kay apple* pero masaya rin, at least may nagpapatawa samin nung oras na yon.

umalis na si joel... dumating si jelly ace... at seryoso ang sinasabi ko sa kanya pero ginagawan niya lahat ng punchline pero ok lang, nakakatawa naman eh..

maya-maya... ang kasama naman namin ay si kame... sinabi ko kay nessa na sa kanya magpaturong kumanta... nagkatuwaan kami hanggang sa si kame naman ang gumawa ng sound.. ng dolphin... haha... ang galing, nakakatuwa siya.

umalis na ang lahat... at nakita ako nila rain... kinwento ko kila geno ang tungkol kay sparky... at for the first time... binatukan ako ni rain... *ang sakit.... figuratively...*

pag-uwi ko... kumain ako.. at umalis kaagad
paglabas ko ng gate... nagulat ako.. kasi may batang biglang lumitaw mula sa likod ng poste... at pinatunog pa ng malakas yung 'tambourine' niya... ayun...
pumunta ako sa natio... bumili ako ng librong related sa filipino... *sa totoo lang.. gusto ko lang mag-self indulge...*

at paguwi ko... nakakagulat... nandito na agad yung kuya ko... weird....

gusto na naming magmove on sa rain - momo tandem.... dahil... ayaw namin yung gap nilang dalawa... chaka... yun nalang bukam-bibig namin kay rain... kaya... may nakita kaming isa pang isyu... mas ok to... haha... mas may paki kasi si rain kay sparky kesa kay momo... hahaha.... harsh....
ang bago ng issue... si Spark.... boto ako-- at KAMI sa kanya... kung para lang kay rain... ang cute nila kung matutuloy ang aming mga pangarap... bakit nga ba spark?... long story... to make it simpler... tingnan si rain.. pag nakikita niya si Spark... yun yon eh... wala ng paliwanag....

sinabi ko kay rain yung sparky + rain = sprain...
yung parang kim chiu + gerald = kimerald
sabi niya naman... sparky + ice = spice...
wow... gwan ba ako ng issue?....

btw... salamat sa pag-sama sakin rain... i really appreciate it...

nung gabi, nalungkot ako ng sobra dahil sa sinabi ng isang tao sa Ym na sobra kong ikinalungkot. di ko na yun sasabihin dito kung sakali mang basahin niya ito. but i doubt it.

dahil dun, inasin nanaman ako.. at dahil sa pagka-Asin na yon.. nakatulog na rin ako...

No comments: