Ok... naiwan ko yung phone ngayong araw na 'to. at dahil yun sa kuya ko...
Kuya: hhoooooiiiiiiiiiii.... dalian mo... male-late na ko...
Ice: opo... nandyan naaaaa..... *bumaba na ako*
Kuya: dalian mo nga, palibhasa di ikaw yung male-late eh...
Ice: opo.... *e kasi, tama bang kumuha ng 7am class... at umalis ng bahay ng 6:45... haaayyy... atleast, maaga na kong darating palagi sa klase ko... di ako male-late... walang minus sa grade...*
napansin ko nalang na naiwan ko yung phone nang naisipan kong tingnan ang phone para icheck kung ma nagtext sakin...
pagdating ko sa school, una kong nakita si Bryan sa tindahan ni Aling Norms.. tumambay muna ako doon. Napagusapan namin yung milagrong nangyayari sa school... wow... wala palang alam ang mga kinauukulan tungkol sa milagrong yun...
Pumunta na kami sa room... Nang makita ko si Hanii, naglakag-lakad muna kami... Napagusapan naminang isang Nasaean na nakakatawa ang role/trabaho... haha... evil... maya-maya, sumabay sa amin si Maan,... Pagdating sa klasrum, nakita ko si Paulo at Rain,.. Sumama ako sa paglilibot nila. Nakita namin si Krisha at tinanong niya kami...
Krisha: *may* Satanas ka?
Rain: hindi ako satanas...
Ice: Hindi ako si Satanas... Lucifer ako...
~~*tawa*~~
Krisha: hindi,.. may satanas kayo?
Ice: wala...
kaming tatlo: sige Krisha, paalam...
Paulo: alam niyo ba yun? yung storya ni Lucifer...
Ice: hindi...
Paulo: Kaya siya napunta sa Impyerno ay dahil masyado niyang mahal si God... kasi ganito yun... may commandment si God... sabi niya---
Ice: if you love me Set me free?...
~~tawa, tawa, tawa~~
Paulo: hindi.. dapat kasi... sasamba rin sa tao *>>yun ang pagkakaalala ko*.. basta,.. itype mo Fallen Angel...
Ice:ok...
napansin nalang namin na wala ng tao sa labas ng klasrum kaya tumakbo kami papunta dun... at nalaman naming di pa pala klase... haaayy... pinalipat kami sa AVR...
English na...
walang nangyaring espesyal... ah... dahil kailangan naming gumawa ng mga tanong para sa surveying...
Pael: Are you a male? if yes, why?
Are you a female, when?...
*wow... tanong... sige lang...*
May joke si Joel.. nakakainis...
Joel: Sinong tao ang di nagagalit?
Kami: Sino?
Joel: Nomad...
*... corny ba yun o wala kaming sense of humor?*
Physics:
nalaman kong bangag pala ako...
Jero: Ang bangag mo...
Ice: ano ba yung bangag?
jero: parang... wala sa sarili...
ice:ahhh... bangag!...
Ma'am: Ayan, kapag uminom kayo gamit ang straw.. ang air pressure sa labas ay magtutulak dun sa Substance na yun para umakyat...
Ice: (@jero) Substance?... oil.. inumin mo...
Jero: bangag..
Ice: hindi kaya...
Ice: tsaa kaya?
Jero: ang bangag mo talaga...
Ice: pwede naman yun ahh...
Ma'am: ang pinagaaralan kasi natin.. pwede niyong iapply sa iba't-ibang activities niyo.. tulad ng paglalaro, pagaaral...
Ice: (@jero) sa bisyo...
Jero: anong hinithit mo?.... katol no?...
Ice: kasi naman... sinabi ko na sa'yo... wag kang hihithit ng pulbos *tama ba... powder?,.. o pulbo?*
Jero: Bangag...
Lunch:
katabi ko si Rain,... nasa bench sa tapat ng room... biglang dumating ang mga sundalo nila...
Rain: wah...Tumatagas na siya...
Ice: sino?
Rain: si Lopez...
Ice: hindi naman ahh...
Rain: sandali.. baka ulan lang yun.... ay hindi.. ayun ohhh...
Ice: ~may binulong na bawal ilabas... haha~
Rain: wehh...
Ice: haha.... *isang phrase na bihira kong sabihin...*
Rain: *yung phrase na yun...*
dumating si "maki" ng 08:
napagusapan ang mga hinala si ate gabba sa mga pwedeng maging tagilid sa kasarian...
pinaalis din siya dahil maingay siya...
nung kakain na yung mga sundalo...
Ice: Rain... Kakain siya sa tapat ng Basurahan?
Rain: sandali nga...*iniba ang posisyon ng sundalo nila*
Dumating si Arce at umupo sa tabi ni Rain...
kinwento ang panaginip niya *pero hindi natapos ang kwento*
maya-maya... ginawan ako ng issue ni Rain.. pero hindi naman mabenta... haha... sori nalang...
nag-self indulge ako.. as usual.. nandun ako mag-isa sa bird cage... buti nalang walang lumapit sakin... kundi mas malamang so sobrang pagkadala ko sa thoughts ko... mag-asin nanaman ako... kasi naman... narerealize kong muli ang katotohanan. tulad ng sinabi ko sa post ko dati... nagseself indulge ako pag mag-isa... at naiisip ang realidad...
PA:
nagquiz...
Ice: bakit di ka nag-VM?
Ludz: anong gagawin ko dun? *kumanta...*
Ice: ... *ok naman pala boses mo eh... haaay,... sayang...*
~later~
Ice: ludz... kinakabahan ako... baka ako yung mapili nag magreport...
Ludz: hala... ikaw na...
Ice: wehh...
Ma'am flor: o,... ikaw... page 141...yung isang definition lang...
Ice: haayy.. salamat...
Ma'am flor: at ikaw... *kay arce* page 142-143... ay hindi...yung page 141-143...sayo nalang *ako yun...*
Ice: wow.... *tingin kay sky... * @sky: ang haba... 3 pages...
Sky: malas mo... ako 1 page lang...
Ice: *at nang-inggit pa*
ang sweeeerrrte ko talaga....
nakakainis dahil inassignan ako ni Ma'am ng report... at three pages yun... ako lang ang ganun niya kamahal na binigyan niya ng 3 pahina samantalang ang iba ay isa o dalawa lang... haaayy...
ice: *tinuro si Arce, inaasar ko kasi kay Rain
rain: kinilig....
ice: HAHAHAHAHA!
mam flor: o bakit ka tumatawa?
ice: wala po! *sabay tungo*
rain : ~tawa~
FIL:
ginawa namin ang exercies sa modyul.. at nainis kami dahil pang-elem iyon... *gawan ng pangungusap ang salitang.... #s 1-15*.. nasa lib kami nun... matapos yun.. inasar si aileen sa isang boyscout na pumunta sa lib...
kami: aileen... kaya pala ang sipag mo ha! ayeee.... AILEEENNNNN!
pinatong namin ang mga seatwork sa table mismo nung BSP na yun... haha... nakakatuwa...
ginawan ako ng henna sa kamay... shooting star yun... si Sky naman.. star lang... si errol din, ginawan ko ng henna... although OMIE kasunod niyang klase at malamang ay mabababoy din yun...
VM:
May bago kaming piyesa... kinanta daw yun sa isang movie ni Jennifer Love... at nagvocalize kami... may bago kaming natutunan.... una... woof lang.. ngayon... may cuckoo na.. haha... at may isa pang closed mouth, space in between teeth and make a tone activity...
kumanta kami... pinaghiwalay ng lugar ang mga lalaki at babae...
umupo ang taong hindi ko kasundo sa likod ko... at sa tuwing linilingon ko si Sky.. napapansin kong nakatingin siya lagi sa akin.. mga 5 beses kasi akong lumingon... kasi naman... pag lumilingon ako, di siya tumitingin.... tinabihan ako ni krisha.. at sa kaliwa niya naman ay si Geno kaya di ko narinig boses ni Geno...
matapos kumanta...
Krisha: di ko narinig yung boses ni geno... pero narinig ko yung iyo *ngiti*.. *may sinabing complement sa boses ko*
kasunod naman ang mga lalaki na kumanta... pinanood namin si pael.. nakakatuwa siya... ibang-iba kasi sa Pael na kilala namin...
natanggal na rin pala yung henna ko... haha... pekeng henna kasi yun...
sa totoo lang... parang di na ako naniniwala sa mga papuri sa akin... haaay... yung kuya ko kasi... malakas mang-kutya sa boses ko at di niya na-a-appreciate... tapos bigla akong pupurihin ng iba?... haay...
di pa ako uuwi kaya kasama ko si Paui... nakita namin ang isang Nasaean... at narealize ko ang kaibahan ng mundo namin... oo,.. nagbago na talaga siya... alam kong magkaiba ang mundo namin pero di ko akalaing ipaparamdam niya iyon sakin... kahit indirectly pa iyon. Pilit ko na ngang pinipikit ang mga mata ko... wala parin...
bago umuwi... nakipagusap ako sa isa kong itinuturing 'mentor' sa school... at kinwento ko ang mga pangyayari.... dahil sa nakwento ko ang mga nangyari sa VM class... pinavocaliza niya ako para malaman niya ang mga excercises na binibigay ni sir, sasali rin ata siya sa choir...
muli... may papuri akong natanggap...
Mentor: yung boses mo kasi may depth... di katulad nung kay...*isang taong nakwento ako kay Mentor*.. you just have to belive in yourself...
*thanks... that helped... somehow...*
maraming tao ang nagbago... dahil sa kapaligiran, mga 'bagong' kaibigan, pera, at marami sa kaibigan ko... dahil Lang lalaki...
sa mga taong pilit akong ginagawan ng issue.. ok lang... hindi naman totoo eh... kahit anong asar pa ang gawin niyo... haha...
tulad nga ng sinabi ko... madali akong matuwa sa isang tao.. pero hindi madaling magkacrush dun... di ko nga rin maintindihan ugali ng mga tao ngayon... sa henerasyong ito...
People...
they always change....
No comments:
Post a Comment