Kaninang umaga, Binulabog ako ni mom. magsisimba na raw kami. Dahil tinatamad ako, gumising ako at bumaba sa sofa at natulog ng ten minutes pa at pinagalitan ako kaya nagmadali ako. Buti nalang malapit lang ang simbahan sa bahay namin.
Iba pala ang pari, sayang.. paborito ko pa naman yung paring yon. Naupo kami sa may likod at nagkataong natatanaw ang choir mula doon. Nakita ko nanaman ang isang mahiwagang tao. Kung last week, sa reading siya, ngayon... choir naman siya. Ang galing. Bakit magaling? Ganito kasi... Nung communion na, tumingin ako ulit sa choir, nakita kong may isang babaeng kumakanta ng solo, at yung taong mahiwaga ay nakatayo rin. Akala ko duet sila, napansin kong may hawak siyang clarinet. Maya-maya tumugtog siya... Nakakatuwa lang... Ang galing. Well, namamangha kasi ako sa mga taong nakakatugtog ng unusual na instrument. Isa rin yun sa gusto kong matutunang instrumento.
Pagkasimba, namili kami sa Cherry. Si kuya, ayaw bumaba... Kasi daw, magtipid daw kami. Bumaba parin kami. Bumili ako ng pangluto ko... haha... Sabi ni kuya umuwi na raw kami kasi aabot daw yun ng libo. Dahil dun, pumila na kami. Inabot ng P600 yung bill. Binili ko yung mga kailangan ko: P122-bill, P52 -waffle (@P13 ea)*nagpalibre si mom sakin, kesa naman di ko bilhan sila kuya* at P18 sa gulaman ko. Andaling maubos ng pera.Nalaman kong ang baon ko ay 1/3 lang ng baon ni kuya na 1st year college lang, hatid sundo, at may baon. wow. Magtipid pala ha?
Pagkauwi, napansin kong gumagana pala ang Mp3 player namin. wala lang siyang display at ipapaayos pa. Ang cute pa naman, kulay blue. haha. Nung grade 9 pa yan, nasira lang bigla yung screen. Inutusan ako kanina na magmarinat nung manok. Basta lemon and pepper something. Sinasaksak ko na yung manok kanina. Sabi ng kasambahay namin, baka daw ako masugatan... *blooooddd... haha* Mamaya, magluluto siguro ako ng carbonara. *Naiinggit si Sky! hahaha-- Napangakuan ko kasi siyang patitikimin ko siya ng luto ko... kaya lang, di kasi ako confident sa lasa at nauubos din yun ng kuya ko pagkaluto ko*
Yehey, wala akong magical moment. haha... Yun muna... Baka kasi may magsabi sakin na mahaba entry ko. haha. Peace tayo ha! XD
No comments:
Post a Comment