Tuesday, November 27, 2007

Mahiwagang Baking

May magic ako kahapon, nahulog ko phone ng kuya ko.. kasi sini-swing swing ko... ayun... halos patayin niya ako.

Sa Baking, Pie # 1 Mango Cream Pie...

Naghuhugas ako ng mga gagamiting materials..
Ice: Ayokong humawak ng kutsilyo, baka kung anong mangyari.
Sky: Ako rin ehh. *Na-realize ata yung sinabi ko.*
Sky: Masama yan... Wag kang Ganyan...

Maya-maya...
Ma'am: Sino si Elaine Sue?
Ice: Ako po...
Ma'am: Bakit may Sue?
Ice: Po?... Kasi po, ga... ganun po... *ano ba ang tamang sagot.. Mukhang ako naman ang nasa gameshow ngayon at di si Idol*
Isang kaklase: Kasi po lahat sila E.S. Ang initials*pabulong at di narinig ni ma'am*
Ice: Lahat po kami, E.S. ang initials
Isang Kaklase: Bakit di Elaine Sarah?
Ice: Kasi ampangit nun.. hehe
Ma'am: Chinese ka ba?
Ice: Po?
Ma'am: May dugo ka bang Chinese?
Ice: O... opo... *nakakatakot... ang weird... ano bang meron?*
Ma'am: May friend din kasi akong Elaine na Chinese...
Ice: Ahhh... *yun lang pala...*
'C': Pinapractice din po nila Chinese beliefs... Pero Ma'am kahit Chinese yan, Astig yan mag-tagalog.
Ice: (@'C') huh?


Ang madugong pie... palusot nalang namin pag tinatanong kami kung bakit pula ang gelatin... "kasi pasko na"... Nakadalawang pie kami... Yung una yung pula, sunod yung walang gelatin-naubusan na kasi. Unti unti na kaming nangkakaayos ni ABCD... Sana nga... Nakakapagod na rin yung ganito eh. Naasar naman ako sa isang di taga-baking na bumisita. Haaaay...

nung uwian na, sasabay daw si 'coach' sakin pauwi...
Ice: Sasabay ka eh ni di mo alam kung saan ako uuwi.
Coach: Sa may tandang Sora diba?
Ice: Hindi, anlayo namin dun. Pag nilakad mo, bukas ka na makakarating.
Coach: wehhh.
Ice: oo nga.. Kung ayaw mong maniwala ok lang.

Hindi na rin nasabi kay ABCD yung dapat sasabihin. wala kasi sa timing. Isa nanaman weirdong araw. Wala pa kong magic ngayon, baka mamaya, bukas...

No comments: