Saturday, November 24, 2007

Magic part 2

Kanina, Nagpunta kami ni mom sa SM. tumingin kami ng christmas balls. At syempre.. pwede ba namang di ako mag-magic?... muli, may iba ring may kasalanan nun. At yun ay yung christmas ball na malaki at mga tauhan ng SM na nagsadyang isabit ang bolang iyon.


~~~ At nagMAGIC nanaman ako!!! ~~~


tinitingnan ko yung mga bola, naisipan kong pumunta sa isa pang lugar na may dekorasyon... nang biglang [Blag]... *anong nangyari?... wah*... malakas talaga yung tunog na nagawa nung bolang yun sa pagtama sa noo ko. sa sobrang lakas, napatingin yung mamang nasa harap ko, ilang mamimili, at mga saleslady. wow... Magandang eksena yun... anlaki kasi nung bola... mga 8 ibches in diameter siguro... *halata naman sa picture ehh* grabe.... una kong ginawa ay pigilan ang pagswing ng bola dahil malakas rin yun at kung may matamaan man, kunsensya ko pa!

At syempre, di pa nagsawa ang bola... maya-maya... tinanong ako ni mom "Kailangan pa ba natin to? *habang naglalakad*" e tinitigan ko yung hawak niya kasi ma-design... [blag!] *w0w... strike two... at di pa pala nagsawa ang bola*... sa pagkakataong yun, sa likod naman.. ayos... kung magkabukol man, pantay na... tig-isa: harap at likod. sa pangalawang pagkakataon, walang masyadong tumingin. buti nalang.. umalis ako agad nun... haaay...

kumain kami sa tokyo-tokyo at nakita ko ang pangalan ng manager nila na kumausap samin... Parveen flores... ang weird... yun lang...

minalas din pala ako... nawala yung pula kong takip sa phone... bibili nalang uli ako... nabagsak ko rin yung mga kahoy na lalagyan *pangsteam ng siomai*... at pinagtinginan nanaman ako... haaay....

No comments: